^

PSN Showbiz

Joey's Quirky World bukas na!

-

Simula na bukas, March 1, ang mga nakatutuwa at nakaaaliw na bagay sa Joey’s Quirky World! Ito ang pinakabagong palabas na magbibigay saya sa mga manonood tuwing Sabado at Linggo ng umaga sa GMA.

Samahan ang batikang komedyante at TV host na si Joey de Leon bilang ang nakatatawa at matalinong si Inspector Talas sa pagtuklas ng mga nakakaaliw na bagay at kung anu-ano pa mula sa kanyang Quirky World.

Kasama rin niya sina Ryan Yllana bilang si Vicky Bola, ang babaeng manghuhula gamit ang kanyang crystal ball at sina Cookie, Bellie at Boobay, ang triple headed gypsy na siyang maghahanap ng mga nakababaliw na tao, bagay o pangyayari na matatag­puan lamang sa Pilipinas.

Ihahatid din nila ang mga nakalolokang video at segments na mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Mula sa isang tigreng nagbihis bilang baboy hanggang sa mga ‘di pangkaraniwang celebrity trivia, tiyak na magbibigay aliw at impormasyon ang Joey’s Quirky World na nagmula rin sa mga bumuo ng Takeshi’s Castle.

Abangan sina Inspector Talas at ang kanyang mga kasama sa Joey’s Quirky World, mapapanood tuwing Sabado bago mag-Eat Bulaga at Linggo bago mag-SOP Rules.

vuukle comment

ABANGAN

BOOBAY

EAT BULAGA

INSPECTOR TALAS

LINGGO

QUIRKY WORLD

RYAN YLLANA

SABADO

VICKY BOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with