Katatawanan at kalokohan sa Lokomoko High
Ngayon na nasa ikatlong season na ang comedy show na Lokomoko ng TV5, mas malupit na kulitan na ang masasaksihan sa bagong format nito na masasalamin sa bago rin nitong title na Lokomoko High. With wacky new members na dadagdag at makikigulo, ito ang “crazy new gag show para sa crazy new generation” na talaga namang kukumpleto at magpapasaya sa inyong Friday night bilang lokohan night.
Kung bitin kayo dati sa trenta minutos na kalokohan, extended na ngayon ang katatawanan dahil isang oras nang mangungulit ang Lokomoko High. Shifting to a full-fledged gag show kung saan masasaksihan ang iba’t ibang comedy sketches, spoofs, at musical numbers, siguradong maloloka kayo sa ka-“highperan” ng mga miyembro ng Lokomoko High.
Bida pa rin sa gag show na ito ang fresh and funny humor nina Alex Gonzaga, Valeen Montenegro, Kim Gantioqui at Randolf Stamatelaky. Ngunit in line with the show’s gearing up at pagrereformat, mas marami na ring makikigulo at dadagdag sa pakikipagkulitan tulad nina Brod Pete, Long Mejia, Shock Attack’s crazy guy Empoy, at ang host ng Take 5 na si Cara Eriguel.
Makipaglokohan at makipaghalakhakan kasama ang mga pasaway na tropa ng Lokomoko High na magsisimula bukas, February 27 sa mas mahabang kulitan mula 8 p.m. hanggang 9 p.m. tuwing Biyernes sa TV5.
- Latest