Magulang ni Heart nag-sorry sa GMA 7

Nagulat naman ako na biglang nag-apir dito sa opisina namin si Ms. Rina Reyes. Yup, ang dating aktres na Inglesera. Actually, dumaan lang daw siya to say hi, kaya hindi na ako nag-bother na maki-tsika.

Pero ganun pa rin ang hitsura niya. Wala naman siyang pinag­bago except sa wala siyang make up nang dumaan siya rito kahapon.

* * *

Pagkatapos lumabas ang panibagong sulat ng GMA 7 para kay Heart Evangelista at sa kanyang manager na si Tita Annabelle Rama na addressed to Rivera Santos & Maranan Law Offices, nakipag-meeting kahapon ang magulang ni Heart kay GMA Network Chairman, President and CEO Atty. Felipe L. Gozon. Nangyari ang meeting kahapong 2:00 p.m. sa office ni Atty. Gozon.

“Heart’s parents, Mr. and Mrs. Rey Ongpauco first apologized for the mess that is happening now between Heart and the network. Mr. Rey Ongpauco also stands as her primary manager,” ayon sa e-mail na natanggap ko.

Sinabi rin umano nina Mr. and Mrs. Ongpauco na kagagaling lang nila ng abroad at bagama’t natanggap nila ang unang legal letter na ipinadala sa kanila ng GMA Network, wala raw silang alam sa legal letter na ipinadala sa GMA Network ng Rivera Santos & Maranan Law Offices.

Ipinaliwanag daw ni Atty. Gozon that the network is in the business of producing shows and hiring talents to perform in these shows.  “Furthermore, GMA Network abides by their contracts and it carefully assigns shows to its talents. Concerns regarding roles, delineation of characters, story executions and the like should carefully be discussed among the parties involved,” ayon pa sa natanggap naming e-mail.

Sumusunod din umano ang GMA Network sa rules and regulations ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at never silang nag-produced ng programang may bold scenes at indecent language. “The character that Heart was supposedly assigned to portray in Muling Buksan ang Puso does not include bold scenes and vulgar language which would adversely damage and prejudice her public image and reputation.

“Moreover, personal concerns from talents should always be discussed and adjustments are made accordingly and without prejudice to the creative execution of the story. He also added that the network is willing to compromise but not to the point of violating these contracts, with both parties mutually benefiting from the concession,” ayon pa sa statement ng GMA 7.

Nagpahayag din si Mr. Ongpauco kay Atty. Gozon na willing si Heart na magtrabaho sa kanila dahil acting talaga raw ang passion ng kanilang anak.

Pero dahil nagsimula na ang pre-production ng supposedly ay pagtatambalan nila ni Dennis Trillo na Muling Buksan Ang Puso, napunta na sa iba ang role sana ni Heart.

Maghihintay daw muna ang aktres ng panibagong assignment na malapit na ring simulan ng pre-production.

Wala pang finality, pero the network is eyeing on Ngayon at Kailanman para kaya Heart.

Natapos umano ang meeting na parehong happy ang both parties and with a stronger commitment to each other.

Teka ano na ang papel ni Tita Annabelle na tumatayong manager ni Heart?

Panibagong issue ito?

* * *

Ano ba, affected ang mga readers sa issue kina Dra. Vicki Belo at Boy Abunda. As in nag-aaway sila sa internet at nagpapalitan ng mga nakakalokang statement.

Merong mga nagsasabing wala namang masamang sinabi si Dra. Belo dahil totoo namang si Boy Abunda ang endorser ni Calayan, pero marami ring nagagalit kay Dra. Belo dahil grabe naman daw mag-comment ang doktora.

 Hay naku, tigilan na ang pagtatalo. Wala na si Dra. Belo, nasa Amerika na (read n’yo and column ni tita Lolit).

* * *

Uy kung si Rufa Mae Quinto inaaway-away ni Jessa Zaragoza nang magkuwento tungkol sa naging relasyon nila noon ng asawa niyang si Dingdong Avanzado, iba naman ang kuwento kina Dingdong at sa ex niyang si Rachel Alejandro. Mukhang walang selos na nararamdaman si Jessa dahil pinayagan pa niyang magsama ang dating mag-syota sa isang concert titled Music and Lyrics na gaganapin sa March 7 sa Metro Bar.

* * *

Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ang Embassy of the Islamic Republic of Iran ay nagkaroon pala ng kasunduan para sa existing cultural, scientific and educational exchange program na nilagdaan last April 13, 2008 ng Foreign Affairs Ministers ng dalawang nabanggit na bansa.  Dahil dito, kasama ang office of the Cultural Counselor, Embassy of the Islamic Republic of Iran - Manila, in cooperation with CINEMANILA International Film Festival and UP Film Institute, magkakaroon ng Iran’s Film Week sa March 2 - 6, 2009 sa bansa.

Ang nasabing event ay magkakaroon ng inauguration na dada­luhan ng Iranian directors sa March 2, 2009 at 10:00 am sa GSIS Theater, GSIS Building, Pasay City and in the rest of the days (March 3 – 6, 2009) ay mapapanood sa Emillio Aguinaldo College, Tanghalang Yamang Lahi Theater at 1122 Gen. Luna St., Ermita, Manila, 10:00 – 11:30 am / 2:00 – 5:30 pm, free entrance.

The FDCP aided pala the Iranian Embassy in setting up a meeting sa iba’t ibang stakeholders sa Philippine film industry at binigyan ng mga inputs tungkol sa productions services na puwede nilang ma-avail.

Kasama sa naka-line up na activities ang tour sa mga Iranian sa post-production facilities - Roadrunner, Star Lab, Opticolors at Optimadigital.

Sa mga previous meeting kay FDCP Chairman Rolando Atienza at ng Cultural Officers mula sa Embassy ng Iran, Mr. Reza Asgari, Mr. Shahaboddin Daraci at Mr. Bahman Samadi, napag-usapan nila ang possible ventures at kasama na nga rito ang Iran’s Film week.

Well, dapat sigurong mag-research ng film industry ng Iran para ma-familiarize naman tayo.

Show comments