Kim pinagagawan ng bahay ni Gerald

Dati kotse, ngayon bahay naman ang ipinagagawa ni Gerald Anderson para kay Kim Chiu.

Hindi pa nakikita ni Kim Chiu, pero malapit nang matapos ang bahay na ipinagagawa ni Gerald Anderson sa may Balara area na sabi nito ay para sa kanilang dalawa raw. Matatandaan na bago ang bahay ay binigyan ng aktor ng isang mamahaling kotse ang aktres pero hindi nito ginagamit at itinatago lamang sa kanilang garahe.

Ayaw sabihin ni Gerald kung magkano ang halaga ng bahay pero two storey ito na may roof deck. Ipakikita lang niya ito kay Kim kapag nasa finishing stage na. Proud siya dahil ang bahay ay bunga ng kanyang pagpapagod at pagpapa­kasipag sa kanyang trabaho.

Ang dalawa ay kasama sa seryeng Tayong Dalawa ng ABS CBN.

* * *

Ang dami palang nanood ng Maalaala Mo Kaya episode last Saturday na nagtampok sa buhay ni Vice Ganda. Lahat naka-relate sa buhay ng sing-along master na bukod sa kanya ay may dalawa pang kapatid na lalaki na mga bading din! Nagtala ang palabas ng 34.4 TNS NUTAM ratings.

Ito ang ipinagkakapuri ng MMK, napapa-arte nila ang lahat ng artista na luma­labas dito, tulad ni Vice Ganda na hindi naman artista kundi isang manganganta.

Kaya sila napiling pagkalooban ng USTV Students’ Choice Award.

* * *

Nagiging masalimuot na ang buhay ni Santino (Zaijian Jaranilla). Matapos ang sunud-sunod na himalang kanyang ginawa, tuluyan nang nagulo ang tahmik na buhay nito.

Maswerte si Zaijian, mga de-kalibreng artista ang gumaganap bilang mga kontrabida niya. Tulad nina Albert Martinez, Dina Bonnevie at John Estrada.

Sa pagdating ni Olegario (John Estrada), ano ang napipintong mangyari kay Santino? Ano ang mga plano ni John sa miracle boy? Sa pagkakataong ito, pakinggan kaya ni Bro ang dasal ni Santino?

* * *

Nakakalungkot isipin na matapos makilala ang grupong Angelos ay magka­kahiwa-hiwalay lamang pala sila ng maaga. Mabuti na lamang at tila hindi apektado ang orihinal na apat na myembro nito na naghiwalay na at may kanya-kanya nang grupo. Parehong maraming shows ang dalawang grupo dito at maging sa abroad.

Si George Sison Tagle lamang ang natira sa orihinal na grupo. Ang tatlong kasamahan niya na ang isa ay si Jon Joven ay bumuo ng bagong grupo na makikilala sa pangalang Primo. Trio na lamang sila samantalang pinangatawanan ng Angelos ang pagiging isang quartet.

Show comments