Tinotoo ang role, aktor laging lasing sa taping

Grabeng mag-internalize ang isang magaling na actor na kinuhang semi-regular sa isang show ng isang network. Ang role na ipo-portray niya sa show ay taong lumalabas lang ang power kapag lasing. Talagang sineryoso nito ang role dahil dumating siya sa set na lasing na at buong maghapon, lasing siya.

Nakukunan ang mga eksena niya, pero nahirapan ang staff dahil minsan, hindi nade-deliver ng maayos ang dialogue at hitsurang lasing talaga siya.

Dahil sa ginawa nito, nag-iisip ang kumuha sa kanya kung itutuloy ang pagiging regular nito sa show o maghanap na lang ng ibang actor. Paano naman, first taping day palang ng actor, nagkalat na siya, kung pahahabain pa ang labas niya’y baka ano pa ang mangyari sa taping at baka maimpluwensiyahan nito ang ibang cast na uminom habang nagti-taping.

 Ang tawag ng press sa grupo ng mga taga-showbiz na lasenggo’y Alcoholic Anonymous at member dito ang tinukoy naming actor.

* * *

Tahimik si Katrina Halili sa mga pahayag ni Dra. Vicki Belo tungkol sa kanya sa guesting nito sa Showbiz Central last Sunday. Sabagay, mas maganda kung hindi na lang siya mag-react para hindi na grumabe pa ang isyu at sa trabaho na lang siya mag-focus.

 ‘Wag na rin sana niyang itanggi ang naging relasyon nila ni Kris Lawrence na obviously, nagtapos na dahil sa mga nabago niyang pahayag dahil kahit si Jay-R na bestfriend at kasama sa bahay ni Kris ay inamin sa press na on ang dalawa at masaya sila sa kanilang relasyon. Pero ngayon, single lady na raw uli siya.

 Anyway, magsisimula na sa March 1 ang taping ni Katrina ng bagong episode ng Dear Friend at hindi na sa Boracay kundi sa Dakak Resort sa Zamboanga del Norte kukunan. Ang alam namin, pagmamay-ari ng ex-boyfriend ni Katrina na si Bullet Jalosjos ang resort at naalala naming, hindi naging maganda ang kanilang break-up at malaki ang posibilidad na magkikita sila sa taping dahil hanggang March 5 doon ang cast. 

 Kasama ni Katrina sa bagong episode ng Dear Friend na papalit sa Bulong ng Puso sina Alfred Vargas, JC Tiuseco, Kevin Santos at Jewel Mische.

* * *

Magsisimula sa March 1, ang Joey’s Quirky World, ang bagong show ni Joey de Leon sa GMA-7 at papalit sa Takeshi’s Castle, pero Saturday and Sunday ito mapa­panood, bago ang Eat…Bulaga at SOP Rules.

Hindi mawawalan ng trabaho ang mga ka­sa­ma ni Joey sa ma­wa­walang show dahil ka­sama pa rin sila sa bago niyang show.

 Si Ryan Yllana ay makikilala rito bilang si Vicky Bola at join din sina Cookie, Belly at Boobay, ang triple-headed gypsy na siyang maghahanap ng mga nakakabaliw na tao, pangyayari o bagay na sa Pilipinas lang matatagpuan. Inspector Talas naman ang character ni Joey dito.

 Kung tama ang bilang ni Joey, pang-60 TV show na niya ang Joey’s Quirky World mula nang magsimula siya noong 1971. Nakasama na niya sina Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Alma Moreno at Vilma Santos. Si Nora Aunor lang ang ‘di niya nakasama’t si German Moreno ang co-host nito sa kanyang show.

 At 62 years old, wala pang balak magretiro sa showbiz si Joey at hangga’t may dumarating na trabaho na gusto niya, kanyang tatanggapin. Ang problema raw ‘pag nag-retire siya’y walang day-off.

* * *

Sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, nagtatago na sa mga pulis sina Homer (Dingdong Dantes) at Proserfina (Marian Rivera). 

Show comments