Love biglang kinaiinggitan
Hindi na naman daw lumalabas ang magdyowang Jolo Revilla at Lovi Poe dahil may selosang nagaganap sa kanila? Hindi raw tinatanggap ni Jolo ang magandang pagtitinginan na nagaganap kina Lovi at Prince Stefan. Nagseselos daw siya sa pagiging malapit ng dalawa.
“No, hindi totoo ito. Malaki ang respeto ko kay Prince at nagtitiwala naman ako kay Lovi. Kung hindi man kami lumalabas lately, it’s because of our work. Ako, busy din sa studies ko.
“I understand na dapat mag-bonding sina Lovi at Prince, para maging convincing sila as a tandem.
“Artista rin ako kaya naiintindihan ko ito. Maiintindihan ko rin kung magkaroon man sila ng kissing o lovescene, bahagi ito ng pagiging artista nila. Hindi naman siguro maganda kung makita sa screen na naiilang sila sa isa’t, worse kung wala silang chemistry.
“Lovi loves her work and I give her my 100% support and understanding. Importante ay alam namin kung saan kami dapat lumugar pagdating sa aming trabaho,” paliwanag ng batang aktor na hindi na itinatago ang labis na pagmamahal niya sa bata ring aktres.
Lovi and Prince are included in the cast of Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang habang si Jolo naman ay nasa Totoy Bato, parehong bagong serye ng GMA 7.
* * *
Kagagaling ko lang sa isang pilgrimage sa Kamay ni Hesus Healing Center na matatagpuan sa Brgy. Tinamnan, Lucban, Quezon.
Isang taunang pagpunta ito sa dinarayong lugar ng maraming maysakit para sila mapagaling ng mapagpalang kamay ng founder ng lugar na si Fr. Joey Faller and to commune with God.
Salamat sa mga donasyon ng maraming napagaling, ng mga gustong gumaling at ng maraming walang karamdaman pero pumunta dun para sa katahimikan na ibinibigay ng Center.
Sa loob ng anim na taon lamang ay naging malaki na ang pagbabago ng Center, dati ay isang simbahan lamang ang makikita rito at ang napakatarik na gulod na kung saan matatagpuan ang via dolorosa o ang way of the cross.
Sa pinakatuktok ng bundok ay matatagpuan ang ikatlong pinakamalaking rebulto ng Risen Christ.
Ngayon meron nang infirmary dito o retreat house, Marian Park, Pieta, drive through Blessed Sacrament, Garden of Eden, Angels Hill. Kasalukuyang nasa planning stage na ang Sea of Galilee, Noah’s Ark, Patriarchs and Prophets Hill, parking space, convention center at isang small clinic for the poor.
The Center offers solace para sa may sakit at sa mga naghahanap ng katahimikan, tulad ng maraming entertainment writers who went there for a one day retreat and came home not only rejuvenated but healed from physical, mental, emotional at kung anu-ano pang karamdaman.
Salamat kay Fr. Joey sa kanyang walang pagod na pangangalaga ng aming pisikal at ispiritwal na pangangailangan at kay Fr. Angelo D. Jaballa, sa kanyang walang katapusang gabi ng proposal at pagpapatawa.
* * *
Marami ang nainggit sa nakakakilig na marriage proposal na tinanggap ni Love Añover mula sa kanyang boyfriend nung Valentine’s Day sa Bomod-ok Falls ng Sagada na kung saan sila ay nagbabakasyon. Napanood ito sa Unang Hirit at ilang news programs ng GMA. Inilagay din ito ng bf ni Love sa internet, kung interesado kayo.
Marami tuloy babae ang nangangarap na makatanggap ng kaparehong proposal mula sa kanilang mga boyfriends but I dare say na mag-isip naman kayo ng sarili n’yong marriage proposal, huwag naman kayong mangopya, noh!
Love and Jomar Lianko are now planning their wedding.
- Latest