Ginamit kontra-estafa: Character actress nagpanggap na may taning ang buhay

Without wishing her harm, ipinagtataka lang ng marami ang masigla pa ring disposisyon ng isang character actress na balik-aktibo sa showbiz. Ang tanong nila, ’yun daw ba ang merong life-threatening liver problem tulad ng kanyang inilahad nearly three years ago sa isang talk show?

Sa panayam kasi sa aktres na ito nu’ng panahong ’yon, wari’y ginamit niyang paraan ‘yun upang mabaling ang simpatya ng tao sa kanya for paying her dues kapalit ng kasong estafa na isinampa ng dating kaibigan laban sa kanya. But the real aggrieved party was her former actress friend who treated her like family.

Marami tuloy ang nag-alala pa sa character actress na ’yon dahil batay sa kanyang karamdaman, chances were, she would not be able to survive it for the next six months or so. Pero lumipas nga ang tatlong taon, hardly was there any news that she was fighting for her dear life.

Nagkamali nga lang kaya ng medical records na nai-release sa kanya? Or if she did have the disease, hindi kaya isang milagro ang naganap tungo sa kanyang tuluyang paggaling? Na ang mga nakaraang sandali na wari’y takipsilim sa kanyang buhay, ngayon ay sinisikatan na ng ‘araw?’’

Ayaw ni Regine Velasquez na dating gumanap bilang Kim Sam Soon ng ganyan!

* * *

Ke saan pa mang henerasyon ka mabibilang, it’s not just live and let live ang dapat maging panuntunan: Love and let love just as well.

Marami kasi ang tumutuligsa kay Alma Moreno sa kanyang pagpapakasal nang palihim sa kanyang Marawi City mayor-boyfriend, huli na raw kasing nakaalam ang pamilya ng aktres. Reminder: Magkaiba ang mga salitang ‘ipinapaalam’ at ‘‘ipinagpapaalam.’

Ang ipaalam ni Alma ang kanyang mga desisyon sa buhay sa kanyang mga anak is more of a privilege than a duty, what more ’yung kailangan pa niyang ihingi ng permiso ito?

This a lot of showbiz historians know for a fact. Walang lalakeng sineryoso si Alma na hindi umangat ang antas ng buhay, mapa-showbiz o mapa-kung saang larangan man. (SLN) Rudy Fernandez’s claim to fame as the junior action star to reckon with was via Bitayin si Baby Ama, karelasyon na niya noon si Alma.

Came Dolphy, Bagama’ Hari ng Komedya na ang bansag sa kanya, his comedic star shone even brighter, his RVQ Productions scaled greater box office heights. At kung naghiwalay sila ni Alma, pansamantalang pumanglaw ang bituin ni Tito Dolphy.

Enter frame si Joey Marquez, perceived to be the knight in shining armor to the damsel in distress. Sa pagsasama nilang ’yon ni Alma nabuhay ang dugong-pulitiko ni Tsong, making him the father of Parañaque City.

Walang duda, may dalang suwerte si Alma sa bawat lalakeng ibigin niya, she brings luck to every man, but leaves him with full realization of what the opposite exactly means after the relationship.

Show comments