^

PSN Showbiz

Wilma Galvante rumesbak kay Annabelle Rama: ''Di siya dapat pinapansin'

-

“The issue between GMA Network and talent, Heart Evangelista is already being handled by the network’s Legal Department. Annabelle Rama’s statements are her own opinion. Her calling me names and her foul mouth are clear indications of her character and should simply be ignored.” Ito ang kabuuang statement ni Ms. Wilma V. Galvante, GMA 7 Senior Vice President for Entertainment tungkol sa issue kay Heart Evangelista at sa manager niyang si Ms. Annabelle Rama na mainit na pinag-uusapan ngayon.

Nag-leak ang palitan ng sulat ng dalawang kam­po matapos tanggihan ni Heart at ng manager niya ang offer ng GMA 7 na Muling Buksan ang Puso.

Ni-remind ang aktres sa kanyang reponsibilidad sa kontratang pinirmahan sa GMA 7 after niya itong tanggihan.

Pero agad na sinagot ng abogado ng manager niya (Ms. Annabelle) ang nasabing sulat ng GMA at inisa-isa ang mga sinabi ng GMA - tungkol sa umano’y pagtanggi ni Heart dahil bawal sa isa niyang endorse­ment na mag-portray na may anak kahit saang programa.

Nabanggit naman sa sagot ng kampo ni Heart na sila (GMA) nga ang nag-violate dahil hindi nasu­sunod ang naka­saad sa kontrata ni Heart particular na sa oras ng trabaho.

Pagkatapos nun, ay humaba na nang humaba ang issue at kuwento. Lumabas din na P15 million ang halaga ng kontrata ni Heart na kinaiinggitan daw ng ibang Kapuso stars.

Pero ngayong kanya-kanyang abogado na nila ang nag-uusap, siguradong mas hahaba pa ang usapan.

* * *

Nayanig ang buong bayan sa pagtatapos ng makapigil hiningang El Ultimo Duelo ng Pinoy Fear Factor: Argentina, South America kung saan nagwagi si Jommy Teotico nitong nakaraang Biyernes (Feb 20) sa ABS-CBN.

Marami man ang nag-akalang si Janna Dominguez ang mag-uuwi ng P2 milyon, bahay at lupa, hindi naman kaduda-duda ang pagkapanalo ng 25 anyos na modelo na itinanghal na unang El Ultimo Participante.

Pinataob ni Jommy ang komedyana sa Car Roll Over stunt kung saan palayuan sila ng mararating matapos humarurot sakay ng kotse patungo sa isang rampa kung saan isang matinding eksplosyon ang magaganap. Ilang beses sumirko ang sasakyan ng dalawa, at natulala sa kaba pati ang host na si Ryan Agoncillo.

Umabot si Janna ng 17 metro at 10 cm mula sa rampa, samantalang 22 metro at 50 cm naman ang layo ni Jommy.

“Sobrang saya ko. Talagang pinaghirapan ko ito. Suwertihan na rin siguro kasi yung sasakyan ko umikot pa uli mula sa pagkakataob kaya umandar pa ng kaunti,” kuwento ni Jommy, ang pinakamatibay matapos ang 33 mahirap at nakakasindak na stunts. 

Lubha namang naapektuhan si Janna, na sobra ang panghihinayang sa pagkatalo niya. “Isang tapak (sa gas) na lang sana at mapapauwi ko na ‘yung tatay ko sa Japan. Sa bagong bahay sana kami magsasama-sama, tapos ‘yung P2 milyon para sa pag-aaral ko,” sabi ni Janna na hindi napigilang humagulgol.

“Gusto ko talagang manalo para makatulong sa pamilya ko. Sa tingin ko naman nakatulong talaga yung pang-aasar ko para mawala sa focus si Manuel, at si Marion na rin lalo nitong huling ronda,” aniya.

Ngunit bukod dito, napatunayan din niyang kaya niyang tapatan sila kahit sa stunts. Bukod sa pagkain ng 20 scorpions, si Jommy din ang nag-uwi ng P50,000 na premyo sa pangalawang ronda sin eliminacion. Sinira rin niya ang lumang Fear Factor world record sa stunt na Car Container Re-Entry stunt kahit hindi masyado marunong mag-drive.

After ng PFF, babalik na si Kuya at ng drama ng totoong buhay sa panibagong season ng hit na Pinoy Big Brother. o0o

Magalit kaya uli si Kris Aquino kay Dra. Vicki Belo? Kahapon sa Showbiz Central, mas shocking ang mga kuwento ni Dra. Vicki tungkol sa kanila ni Dr. Hayden Kho, at preemted na ang interview ni Kris na running interview sa Showbiz News Ngayon (SNN).

Sinagot ni Dra. Belo na yes, may video si Katrina Halili at si Dr. Hayden at ang part na sinabi ng sexy actress na - “girlfriend mo lang naman siya, ako asawa mo” ang sobrang nagpasakit ng puso ng doktora sa isa sa super closed niyang endorser.

Maging ang tungkol kay Rufa Mae Quinto ay sinabi na rin niyang malakas ang pakiramdam niyang may nangyaring something at sa kanyang ex-boyfriend na doktor.

Naramdaman daw kasi ni Dra. Belo na may gina­gawa ngang kababalaghan ang kanyang bagets na boyfriend kaya sinubukan niyang hulihin ito. Wala naman siyang nakita pero nadiskubre naman daw niya ang mga videos.

Wala pa sa nasabing part ang interview ni Kris kay Dra. Belo na umaming kasama sa kinonsider niya (Kris) kaya nakipag-ayos sa doktora ay ang rating ng bago nilang programa sa ABS-CBN ni Boy Abunda.

May phone in question si ‘Nay Lolit sa Showbiz Central kahapon para kay Dra. Belo. Sincere daw ba ang kanilang pagbabati ni Kris? Naniniwala naman daw siya na ok na sila ni Kris na nag-umpisa lang naman nang magkaroon ng issue sa asawa nitong si James Yap at sa isang tauhan sa clinic ni Dra. Belo.

Pero hindi masagot ng direkta ng showbiz na doktora kung deserve ba ni Dr. Hayden ang second chance dahil mainit ang balitang nagkabalikan na sila.

Si DJ Mo ang nag-interview kahapon kay Dra. Belo sa Showbiz Central na kaibigan ng ex-couple at madalas kasama sa mga biyahe ng dating mag-dyowa. (SVA)

BELO

DR. HAYDEN

DRA

HEART EVANGELISTA

JANNA

JOMMY

NAMAN

NIYANG

PERO

SHOWBIZ CENTRAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with