^

PSN Showbiz

Bawal nang magmaldita, Bing Loyzaga bumait na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Marami pa rin ang nanood ng repeat ng Gary V Live at 25 concert ni Gary Valenciano last Friday, marami ang repeaters at ‘yung first time nanood ay hindi na-disappoint sa show na inihanda ni Gary. From his opening number to his encore, talagang pinabilib nito ang audience lalo na sa medley ng Earth, Wind & Fire na sinayawan ng buong tao sa Araneta Coliseum.

Nag-guest uli si Martin Nievera at in-announce ang two-night concert nila ni Gary sa September 4 & 5 sa Big Dome rin. Tinext namin si Angeli Valenciano for details of the concert, pero wala pa itong title at director. “In the works pa lang,” ang sagot, pero may feeling kaming si Rowell Santiago ang magdidirek nito dahil magaling siyang magdirek ng concert. Example ang concert ni Gary na one of the best concerts na aming napanood.

Parang preview ng concert nila sa September ang number nina Gary at Martin, marami na tuloy ang exci­ted mapanood sila. Umapir din si Pops Fernan­dez at akala namin kakanta, ‘yun pala mano­nood lang, pero special ang pagpapakilala sa kanya.

Ibinuking ni Martin ang minsang panliligaw ni Gary kay Pops at umaabot sa six hours ang pag-uusap nila sa phone. Itinanggi ito ni Gary, pero sabi ni Pops, totoong tinatawagan at binibisita siya ni Gary noong mga single pa sila.

* * *

Big risk kay Janno Gibbs ang bagong album niyang Orig dahil puro original compositions niya ang 11 songs, kasama ang carrier single na Igiling na homage niya sa kanyang Ricky Martin image. Duet nila ni Kyla, ang Ang Aking Puso at inamin nitong fan siya ng dalaga.

Produced at released ng GMA Records ang Orig and after the released of the said album, major concert sa Araneta Coliseum ang gustong gawin ni Janno. Bukod sa matagal na siyang walang concert sa Big Dome, naiinggit siya sa kapwa singers na sunud-sunod ang concert.

Masaya si Janno na balik-GMA si Bing Loyzaga sa Paano Ba Ang Mangarap? at tsinikang siya ang tumawag sa management ng Ch. 7 kung puwedeng isama sa show ang asawa. Hindi sana ma-high blood si Bing sa sagot ni Janno na “bumait na siya” nang kumustahin ang sakit nitong hypertension. Careful daw sila lahat ngayon sa bahay para ‘di ito magalit.                                                                                             

 Ibinalita pala ni Janno na up to April pa ang Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? at happy siya na kahit saan siya magpunta, ang game show ang tinatanong sa kanya at lahat gustong sumali at manalo.

* * *

Isa si Paolo Bediones sa hosts ng Bb. Pilipinas Beauty Pageant, kung saan isa sa mga kandidata ang girlfriend niyang si Abby Cruz. Inaabangan ang magiging eksena sa coronation night at magkakasama sa stage ang mag-dyowa.

Sino kaya sa kanila ang ma-conscious sa Q&A portion?

Sakaling manalo si Abby, walang magrereklamo dahil host lang siya, hindi boboto at hindi kasama sa mga judges.

Si Iza Calzado ang female co-host ni Paolo at maliban sa kanila, may two male co-hosts pa raw makakasama ang dalawa.

* * *

Sa pagpapatuloy ng Bulong ng Puso ng Dear Friend, gusto nang hiwalayan ni Toni (Jennica Garcia ) si Patrick (Dion Ignacio), hindi lang niya nagawa dahil kailangan siya nito. Habang inaalagaan ang nobyo, napapalapit naman si Mateo (Mart Escudero) kay Amira (Rich Asuncion) at nakaramdam ng selos si Toni.

ABBY CRUZ

ANG AKING PUSO

ANGELI VALENCIANO

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

CONCERT

GARY

JANNO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with