Mga walang kwentang tsismis!

Mabuti na lamang at hindi pikon si John Estrada. Akalain mo, may gusto yatang papaghiwalayin sila ng kanyang girlfriend na isang Brazilian beauty queen at kung kailan siya nagpapakabait ay saka siya ginagawan ng isyu sa pamamagitan ng pagsasabing nambababae siya.

Pareho na lamang nilang tinatawanan ng kanyang girlfriend na si Priscilla Mereilles ang balita bagaman at talaga namang naiinis siya sa ganung walang ka-kwenta-kwentang tsismis lalo’t walang basehan.

May balita nga bang naghiwalay din sila John Lloyd Cruz at ang girlfriend niya? Hindi rin ito totoo at hindi bahagi ng promo ng You Changed My Life nila ni Sarah Geronimo. Hindi kailangan ng movie ng ganitong gimik, makakatayo ang pelikula sa sarili nitong merits, tulad ng nangyari sa A Very Special Love.

* * *

 Nakatagpo na nga ba si Rayver Cruz ng kanyang mamahalin sa katauhan ni Sarah Geronimo? Aba, marunong pumili si Rayver. From what I’ve heard, isang mabuti at masunuring anak si Sarah, multi-talented pa. ‘Yang mabubuting anak ay nagiging mabubuting girlfriend din. Karamihan sa mga kabataan ngayon, sutil sa magulang.

Kung sabagay, katulad ni Sarah, mabait din at masunuring anak si Rayver, sila ng kapatid niyang si Rodjun. Sana, swertihin siya kay Sarah.

* * *

Bakit ba palaging may elementong sekswal ang mga indie films? Hindi raw papasukin ng mga manonood ang mga sinehang pagtatanghalan nito kung walang kabaklaan. Ganun?

Akala tuloy ng mga nakakapanood ng mga marami nating indie films na sinasali sa mga kumpetisyon sa abroad at nanalo ay ganito lahat ang ginagawa nating movies. Kung sabagay, mas maraming indie films ang nagagawa kesa mainstream, kaya puwede nang sabihin na ito nga ang trend sa local movies ngayon.

Maraming indie movies ang magaganda, tulad ng Lovebirds, Paupahan, 100 . Hindi nga ba kumita ang mga ito? Kung hindi, baka nga may katuwiran ang mga indie producers to resort to doing bold films pero kung kumikita naman, bakit hindi na lang ganitong tipo ang gawin?

Show comments