Kahit Muslim, Robin pumasok ng Simbahan ng Katoliko

Sa March 18 na ang alis ni Sarah Geronimo para sa US tour niya at sa April na ang balik, pero hindi siya masyadong mami-miss ng kanyang fans dahil may mapapanood silang pelikula nito, ang You Changed My Life nila ni John Lloyd Cruz. Pagbalik ng singer-actress, maraming trabaho ang naghihintay sa kanya kasama ang pelikulang pagtatambalan nila ni Piolo Pascual.

Ito yata ’yung pelikula na kasama rin sina Toni Gonzaga at Vhong Navarro na inaayawan ng mga fans ni Toni kung kay Sarah ipapareha si Piolo dahil dapat daw kay Toni muna. Kaso, ayos na yata ang casting at nabalita na ni Vic del Rosario na movie nina Sarah at Piolo ito.

Ayaw pag-usapan ni Sarah ang kissing scene nila ni John Lloyd Cruz at panoorin na lang daw sa February 25, ang movie. Ang ipinakita lang sa trailer, sa braso at pisngi siya hinalikan ng actor na kakikiligan ng moviegoers.

Anyway, kita ang sincerity ni Sarah nang amining bothered siya sa nalamang reaction ni AiAi delas Alas sa Box Office Queen title na ibinigay ng SM cinemas sa kanya. Kung siya lang daw ang masusunod, si AiAi ang dapat na Box Office Queen.

“Matagal na siya sa industry pero ibinigay ito sa akin at nagpapasalamat ako. Nirerespeto ko si Ms. AiAi at sana wala nang ganitong isyu dahil nakakalungkot,” sabi ng Pop Princess.

* * *

May eksena sa Totoy Bato na pumasok sa simbahan ang character ni Robin Padilla at sa isang kuha ni Jun de Leon sa training ng actor, pumunta si Robin sa Lutheran Church ng Mt. Pulag. Inalam ng press kundi ba magiging isyu ’yon sa kanyang relihiyon, pero sabi ng actor, walang problema sa ginawa niya at maiintindihan siya ng kapwa Muslim dahil nagtatrabaho lang siya. Welcome naman daw sa Diyos ang lahat kahit saang simbahan pumunta.

Natatawang itinanggi ni Robin na wala siyang underwear sa eksenang nakikipag-boksing siya.

May supporter daw siya at tinanong ang reporter kung bakit nasabing wala siyang underwear. Hahaha!

Sa February 23, na ang pilot ng Totoy Bato. Kasama ni Robin sa Totoy Bato ang eldest niyang si Queenie Padilla na pinasok na rin ang showbiz. Pinapayagan na rin niya itong tumanggap ng ligaw basta sa bahay nila pupuntahan at hindi sa kalye liligawan.

* * *

Sasama si Kiko Austria, isang castaway ng season one ng Survivor Philippines, sa audition ng tinatawag na mother-of-all-reality shows at kung papayagan, tutulong siyang maghanap ng castaway na magiging asset ng show.

Kaya lang, pagbalik na niya mula sa pag-attend ng food convention sa San Francisco at Las Vegas mula February 22 hanggang March 14, siya makakasama. Dadalo sa nabanggit na convention si Kiko para sa bubuksang 55 Events Place sa may Tomas Morato.  

Bago umalis, magti-taping muna si Kiko ng pilot episode nang pagiging regular niya sa Born To Be Wild sa Cagayan Valley. Siya ang kapalit ni Romy Garduce at ang regular na co-host ni Doc Ferds Recio sa nasabing show.

Show comments