Uy kailangan lang ulitin ‘to. Na-wow mali kami kahapon. Hehehe.
Higit sa pagiging sikat na artista, hindi kataka-takang mas priority ni Claudine Barretto ang pamilya. Homebody kasi kapag walang trabaho.
Malaking oras niya ang nakakain sa kusina, sa pagluluto’t pag-aasikaso sa asawang si Raymart Santiago at mga anak na sina Sabina at Santino, dahil lumaki siya sa pamilyang mahilig sa pagkain.
“Realista kasi ako, praktikal pero hindi dapat isakripisyo ang quality, lalo’t sa pagkain,” sabi ng aktres. “Kaya kung pagpapasarap din lang ng mga lutuin, panalo na ang Knorr Real Sarap dahil dekalidad ang mga herbs and spices nito.”
At dahil walang hirap sa kusina, mas mapapadali ang gawain ni Claudine na dinagdagan pa niyang “It’s not work when you really love it.”