Robin mahirap katrabaho pero sulit!

Sigurado ako, milyon, maraming milyon, ang gi­nu­gol ng GMA 7 para lamang muling maisilang ang karakter ni Totoy Bato na unang nilikha ni Car­lo J. Caparas at unang binigyang buhay ni Fer­nando Poe, Jr. sa pelikula noong 1977.

Si Robin Padilla ang bagong Totoy Bato. May­ro’n siyang kaibigan, si Anna na ’di tulad ni Totoy na simple lamang ang pangarap, ang makasama palagi ang kanyang ama. Pangarap ni Anna na maging isang sikat at kilalang singer.

Dinala si Anna ng kanyang ina sa Maynila pero nangakong babalikan si Totoy. Nagbinata si Totoy, naging magsasaka, nagka-pamilya. Sa Maynila su­­­mikat at nagkapangalan bilang isang singer si Anna.

Napilitang iwan ni Totoy ang kanyang baryo nang makamkam ang kanyang lupa at mapatay ang kanyang asawa. Sa lungsod, magiging bok­singero siya at makikilala sa pangalang Totoy Bato.

Bongga ang launching ng Totoy Bato na ginanap sa GMA 7. Nagkaro’n ng fire­works display kasabay ng unveiling ng isang photo exhibit ni Jun de Leon ng mga kuha ni Robin sa serye. Si Robin ang nagbukas ng exhibit na dumating sakay ng isang magarang motorbike.

Nagkaro’n ng presscon na dati ay dinadaluhan lamang ng mga entertain­ment press pero, nang gabing iyon bisi­ta ang pamilya ni Robin, naroon ang kan­yang ina at kapatid at mga pamangkin. Naro’n din ang mga anak ni Robin, ang mga boss­ing ­niya sa Kapuso, mga sponsors ng kanyang bagong serye, pro­duction people at marami pang iba.

Matangi kay Manny Pacquiao na nag-een­­sayo na sa US pero bumati sa pama­ma­gitan ng phone patch, dumating ang ma­rami sa cast ng Totoy Bato: Re­gine Ve­lasquez, Eddie Garcia, Ian Ve­ne­ra­cion, Caridad Sanchez, Jonee Gam­­­boa, Ron­nie Lazaro, Rommel Padilla, Deborah Sun, Ehra Madri­gal, Jolo Re­villa, LJ Reyes, Tues­day Vargas, Mon Confiado, Sweet Ramos, Ralph Padilla, Ara Mina, Queenie Pa­dilla, Joko Diaz, Daniel Fernando at iba pa.

Present din ang dalawang direktor ng serye, sina Mac Alejandre at Don Michael Perez at ang mga sumulat ng istorya sa pangunguna ni Suzette Doctolero.

Tumulong ang mga iniendorsong produkto ni Robin sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga giveaways. Pinansyal naman ang ibinigay na tulong ng Revicon.

Inawit ni Regine ang theme song ng serye na kinompos ni Ogie Alcasid, ang Ako’y sa ’Yo at nagsayaw naman ng katutubong sayaw ang isang gru­po ng mga Igorot na mismong si Robin ang bumuo nang mag-stay ito ng tatlong buwan sa Benguet para mag-train sa kanyang role.

May dance number din ang anak ni Robin na si Queenie kasama ang Power Dancers.

Lalong naging obvious ang pagiging isang malaking produksyon ng Totoy Bato nang sabihin ng bise presidente ng GMA 7 na si Wilma Galvante na, “Robin is not easy to work with but he’s worth it. January pa gagawin ang serye pero October pa lamang ay nagsisimula na si Robin ng pre­parasyon. Yung pagsasama nila ni Re­gine, dati ay dream lang yun, ngayon ay reality na. Tapos may Pacquiao pa. Pero ang inten­syon namin ay to come up with a good show, yun lang ang ma­halaga.”

Palabas na ang Totoy Bato sa Feb. 23, gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes.

* * *

Ewan ko lamang kung may pagbabagong magaganap sa character ni Marian Rivera sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tad­yang. Hindi raw maganda ang reaksyon ng mga manonood ng serye sa character niya, tutol sila na maging salbahe ito.

* * *

Hanggang ngayon natatawa ako kapag na­aa­lala kong wala akong kamalay-malay, iyon pala’y naka­gawa na ako ng isang malaking pag­kakamali.

Biruin mo, nasa isip ko na ang pangalan ni Paolo Ballesteros na siyang sinasabing binatang ama pero, pangalan pa ni Alfred Vargas ang nai­su­lat ko. Naunahan tuloy ako ng pangungum­pisal ng isa sa mga hosts ng Eat Bulaga. Talaga naman, oo!

Siyangapala, nakadispensa na ako kay Alfred at manager niya pero, nakalimutan ko namang mag-dispensa sa PSN at sa editor (Ms. Salve Asis) nito na nabigyan ko ng maling impormasyon. Hindi na po mauulit.

Show comments