Andeng tumutulong ng hindi ipinagsasabi

Stage laughter, stage sister, stage wife: Andrea “Andeng” Bautista-Ynares is just that. Sa magkahalong showbiz at pulitika na lumaki si Andeng, both people-oriented realms, kung kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit the PR bee has stung her and continues to sting her like an epidemic.

Hindi na siguro kailangang ipagmakaingay pa ng napakarami nang acts of benevolence ng pamilya Revilla extended to the needy, at maging sa napangasawa ni Andeng na si Rizal Governor Junjun Ynares. Huwag sanang ikatampo ng mag-asawang Ynares ang paglalahad ko ng napakalaking tulong na kanilang ipinaabot sa aming katrabaho sa Startalk, si Don Robert kung tawagin who drives for our field reporters tulad ni Gorgy Rula. Surely, the couple wants their acts of charity downplayed.

Buhat din sa Province of Rizal si Don Robert who was recently in dire need of medical assistance. At a government hospital in Rizal, hindi man lang daw siya inaatenan ng staff doon, so he had no other recourse but to seek help from Gorgy who had direct access to the governor. Entonces, inasikaso na raw si Don Robert sa pagamutan, mismong si Gov. Junjun pa raw ang dumalaw sa kanya to check on his health condition.

I know Andeng will curse me for this, hindi kasi naging ugali ng nakamulatan niyang pamilya ang ipagbanduhan sa buong mundo ang mga naitutulong nila sa mga taong nangangailangan. Ilan na nga ba ang natulungan ng kanyang kuyang si Senator Bong Revilla, including those in showbiz, na hangga’t maaari ay ayaw na lang nitong ipasulat?

* * *

In another tabloid column, inalmahan ni Lolit Solis ang balak na pagdedemanda sa akin ni John Lapus (alongside another reporter), na ang ginamit na basis ay ang pagtatanggol ko kay Boy Abunda na tahasan kong sasabihing binastos ng Showbiz Central host over the Calayan billboard issue.

What I wrote here in PSN was a mere reaction to Sweet’s (bitter?) statement kung bakit inetsapwera siya sa billboard, na baka raw kalabisan na kung dalawang bakla na ang naroon. Kausap ko mismo si Kuya Boy, sa kanya na mismo nanggaling na apat na taon na raw siyang nililibak ni Sweet off-cam, but the latter would manage to play sweetie-sweetie to Kuya Boy ’pag iniinterbyu.

Kung ang pagdedepensa ko kay Kuya Boy ang ipinagpuputok ng butse ni Sweet, lest he forget, I did not make up the item myself. Iniere ’yon ng Showbiz Central, and I picked it up dahil maituturing na public issue na ’yon. To top it all, I vaguely remember having committed a personal assault against him.

Parang Shakespearean comedy, much ado about nothing. Kung alipustahin ni ’Nay Lolit si Sweet sa radyo, gano’n na lang. Why me, dahil ba pipitsugin lang ako sa larangan ng kabalahuraan?

Show comments