^

PSN Showbiz

Jim Carrey nasa 5MAX

-

MANILA, Philippines - Comedy, action at sci-fi thriller adventure movies ang mapapanood ngayong linggo sa 5MAX Movies ng TV5, featuring Diabolique, starring Sharon Stone, Jim Carrey in Ace Ventura, and martial arts master Jet Li sa pelikulang The One.

Base sa libro na kapareho ang title, ang vintage hard science fiction movie na Battlefield Earth ang mapapanood sa Lunes (Pebrero 16) starring John Travolta, Barry Pepper and Forest Whitaker. Ang 1996 remake version ng 1955 French film na Diabolique naman ang palabas sa Martes (Pebrero 17), starring Sharon Stone bilang isang mapanlinlang na babae.

Si Jim Carrey ang bida sa Miyerkules (Pebrero 18) bilang ang kwela at loko-lokong animal detective sa comedy movie na Ace Ventura: Pet Detective.

Kagulo naman ang tatlong baseball team mates na sina Tom Berenger, Charlie Sheen, at Corbin Bernsen sa nakakatawang pelikulang Major League, palabas sa Huwebes (Pebrero 19). Sa Biyernes (Pebrero 20), patuloy ang kalokohan ng baseball dream team na ito na haharap sa mas malalaking games at magdadala ng mas matinding katatawanan sa Major League 2.

Magbabalik naman si Jim Carrey sa Sabado (Pebrero 21) with new adventures, new animals, pero same hair sa movie sequel na Ace Ventura: When Nature Calls.

Ang martial arts expert na si Jet Li naman ang bida sa Linggo (Pebrero 22) sa science fiction story tungkol sa isang killer na tumatawid sa iba’t ibang parallel universes sa umaatikabong pelikulang The One.

Mag-enjoy sa iba’t ibang klaseng adventure flicks na handog ng 5MAX Movies this week, tuwing 9: p.m. on TV5.

ACE VENTURA

BARRY PEPPER

BATTLEFIELD EARTH

CHARLIE SHEEN

CORBIN BERNSEN

JET LI

JIM CARREY

MAJOR LEAGUE

PEBRERO

SHARON STONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with