Beyonce, Hudson tumanggap ng Image Awards

LOS ANGELES (AP) – Tumanggap ng parangal sa 40th Annual NAACP Image Awards ang stars ng 2006 film na Dreamgirls na sina Beyonce at Jennifer Hudson.

Napanalunan ni Beyonce ang best female artist category habang ipinagkaloob kay Hudson ang new artist award.

Isinabay ang awards night sa 100th anniversary ng National Association for the Advancement of Colored People o NAACP.

Best motion picture naman ang Secret of Life Bees habang nanalo naman para sa best TV drama ang Grey’s Anatomy.

Ipinagkaloob naman ang best supporting actor in a motion picture kay Columbus Short para sa pagganap niya sa Cadillac Records samantalang best male artist naman si Jamie Foxx.

Show comments