Ang pagpapakulay ng buhok at hair extension ang inirason ni Rufa Mae Quinto sa late na pagdating sa presscon ng Philosophy by Mikaela. Hindi naniwala ang mga reporters na malapit sa kinauupuan nito at kita ang pamumula at pamumugto ng kanyang mga mata. Nang tanungin kung umiyak siya, sumenyas si Rufa Mae na ’wag na lang maingay.
Sa solo interview sa kanya, may kalabuan ang sagot nito sa tanong ng press kung bakit siya umiyak at kung sino ang nagpaiyak sa kanya? Hindi raw si Jon Avila ang nagpaiyak sa kanya at bakit daw niya iiyakan ang binata.
Inamin nitong nami-miss niya ang binata dahil last week pa sila nag-date. Pinuna ni Dondon Sermino ang pag-i-English niya at parang galing sa pakikipag-usap sa isang Inglesero. Ang sagot, choice niyang umiyak at private moment daw niya ’yon.
Hindi napanood ni Rufa Mae ang sinasabing pagpapaalam daw ni Jon kay Erik Santos, bagay na hindi rin maintindihan ng dalaga kung bakit. Nanliligaw ba ito sa kanya?
“Kung nanliligaw siya? Hindi ko alam at hindi ko maintindihan. Hindi ko na rin siya tinanong kung bakit siya nagpaalam kay Erik. He wants to be single and I respect that ’cause I want to be single also and I’m used to being single and alone,” sagot ni Rufa Mae.
Lalong nalungkot si Rufa Mae dahil aalis siya sa February 18 at sa March 10 na ang balik, matagal niyang ’di makikita si Jon na ’di niya alam kung love siya o hindi. Pagbalik niya, doon pa lang siya magti-taping for Zorro.
* * *
Birthday ngayon ni Heart Evangelista at ang pamilya lang nito ang kasamang magsi-celebrate ng kanyang birthday sa farm nila sa Carmona, Cavite. Isang German labrador ang gift sa kanya ng ama at bumili siya ng diamond studded-bracelet na suot niya nang makita namin siya sa GMA Network.
Matatapos na sa March ang Luna Mystika at nalulungkot na si Heart dahil mami-miss ang mga kasama at ang TLC o Tender Loving Care na ibinibigay sa kanya ng staff. Mami-miss din niya si Celestina, ang isa sa dalawang characters na pino-portray niya sa show at kahit hirap sa taping dahil nagpapalit siya ng katauhan, enjoy pa rin siya.
Two weeks magbabakasyon si Heart after ng taping ng Luna Mystika at wala pa siyang maibalitang next project dahil hindi siya tuloy sa TV remake ng Muling Buksan ang Puso na pagtatambalan sana nila ni Dennis Trillo.
“Sabi ni Tita Annabelle (Rama), maghintay na lang kami ng primetime show, mag-wait na lang daw ako ng right project. Medyo mature kasi ang role ko, magiging nanay ako, manganganak, eh may mga endorsements ako na dapat alagaan. Excited pa naman akong makatrabaho si Dennis, gusto namin si Dennis, pero ’wag lang sa hapon na show,” sabi ni Heart.
* * *
Ang mag-asawang Giselle Sanchez at Emil Buencamino uli ang sasabak sa Kakasa Ka Ba sa Grade 5? this Saturday. Maging suwerte kaya ang baby na ipinagbubuntis ni Giselle para manalo? Para raw sa educational fund ni baby Zappa ang isang milyon, kaya gagalingan nila ang kanilang mga sagot.
Second player ang sports couple na sina Vince Hizon at Patricia Bermudez-Hizon na parehong sa US nag-elementary, pero gagawin pa rin ang lahat para masagot ang sampung malulupit na tanong mula kay Chairman of the Blackboard na si Janno Gibbs.
Napapanood ang nag-iisang game show ng GMA 7 every Saturday after Pinoy Records. Ilang linggo na itong umeere, pero wala pa ring nananalo ng P1 million.