Chris Evans ipapakita ang telekinetic power

MANILA, Philippines -Kilala sa buong mundo bilang Human Torch sa Fantastic Four movies, ginawaran bilang Male Superstar of Tomorrow sa 2005 Hollywood Awards si Chris Evans. Isa na sa pinakaabalang aktor sa kasalukuyan, siya’y mamamayagpag pa ng higit sa inaasahan dahil pinangungunahan niya ang star-studded na pelikulang Push.

Kasama sina Dakota Fanning (War of the Worlds), Camilla Belle (10,000 B.C.) at Djimo Hounsou (Blood Diamond), tulad ni Chris, sila’y gumaganap sa papel ng mga pangkaraniwang tao na may astig na powers.

Dinirehe ni Paul McGuigan, ang Push ay ginamitan ng isang bagong uri ng teknolohiyang digital. Sa pakikipagtulungan ng real-life psychics, ito’y garantisadong magtutulak sa manonood palayo sa upuan.

Show comments