Uy ang lakas ng kilig factor ng You Changed My Life nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Sa music video pa lang, ayos na.
Sequel ang nasabing pelikula ng A Very Special Love na awarded Top Grossing Movie of 2008 ng SM Cinemas. Samantalang sina Sarah and John Lloyd din ang dineklarang Box Office Queen and King respectively ng SM ayon sa report ng Star Cinema. Samantalang Top Grossing Film Producer naman ang Star Cinema.
Ibibigay ang award nila sa February 18 sa SMX sa Mall of Asia.
Kinuha raw ng SM ang kabuuang kita ng pelikula sa lahat ng sinehan ng SM at lumabas na ang nasabing pelikula ng Star Cinema ang may pinakamalaking kinita sa natapos na taon. Maging issue kaya ito kay AiAi delas Alas?
Ay balik sa You Changed My Life, at in fairness, sabi ng taga-Star Cinema nang i-launch daw nila ang music video nito sa ASAP last Sunday, marami agad nagtawagan para sa showing nito sa abroad.
Marami na rin daw nakiki-kontrata na manonood sila sa premiere night nito kahit kapwa mga artista nina Sarah at John Lloyd dahil sobra silang kinikilig.
Actually, grabe ang naging epekto ng A Very Special Love nang ipalabas ito last year. Nahagip ko nga si Kris Aquino na ini-interview si Sarah at panay ang kuwento niya na nanood siya ng pelikula pati na ang mga kasama sa bahay. At bumili pa sila ng copy sa video.
Showing sa February 25 ang bagong offering ng Star Cinema.
* * *
After pala talaga ng showing ng When I Met U aalis sina KC at Piolo Pascual papunta ng Paris para sa taping ng Lovers in Paris.
Sa April naman, paalis sina Gov. Vilma Santos, John Lloyd at Luis Manzano para sa kanilang movie na may tema ng kabadingan.
* * *
Mas maganda in person ang West End Pinay Star na si Joanna Ampil kesa sa mga nakikita kong pictures niya. Mukha siyang bagets at hindi mo aakalaing siya ang Pinay na sikat sa maraming Broadway Musical.
Nasa bansa kasi si Joanna para sa two week break from playing the role of Christmas Eve sa Award-winning musical comedy na Avenue Q. At ang exciting, may solo concert siya sa bansa na ngayon lang niya gagawin.
Pang-Valentine ang concert - sa February 13 and 14 sa Music Museum, 8:00 p.m. kasama ang theater actor na si Franco Laurel.
At nakakaaliw dahil may Tagalog medley sila sa repertoire na hindi maintindihan ni Joanna.
The Valentine concert highlights the love songs of Joanna’s theatre career history spanning 16 years from Miss Saigon, ang kanyang first musical sa West End hanggang sa kanya ngang recent projects, West Side Story in Manila and Avenue Q in London.
“I want it to be personal,” Joanna describes.
“The repertoire is mainly composed of songs (Broadway, pop, OPM, classics) that have influenced and inspired me to do what I’m doing now, and from shows that I’ve done in the past but will be performed in a way that will tell my story and define me as a person on and off stage.”
Tickets para sa concert are available at Music Museum with tel. no. 721-6726 and all Ticketworld outlets with tel. no. 891-9999 or visit www.ticketworld.com.ph. Ticket prices: PhP4,400, P3,300, P2,200 and P1,100. (SALVE V. ASIS)