Rihanna muntik patayin ni Chris Brown

Los Angeles (E! Online) – Inatasan kahapon ng Los Angeles District Attorney ang mga police detective na maghanap pa ng mga ebidensya sa kaso laban kay Chris Brown.

Nakikipagtulungan si Rihanna sa pulisya at nagugulat sila sa pahayag ng singer.

Isinumbong umano ni Rihanna na sinakal siya ni Brown at nagbanta itong papatayin bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Nagsimula silang mag-away matapos nilang iwanan ang pre-Grammy party ni Clive Davis noong Sabado.

Pagsapit ng hatinggabi, itinabi ni Brown ang kanyang Lambourghini sa tabing-kalsada sa Hancock Park neighborhood sa L.A.. Kasunod nito, sinunggab ni Rihanna ang susi ng kotse at itinapon ito sa labas.

Ayon sa impormante, nagalit si Brown, sinikap na hanapin ang susi pero nabigo siya kaya bumalik din siya sa kotse, sinakal si Rihanna at sinabihan ang babae ng “Papatayin kita.”

Sinabi ni Rihanna sa pulisya na nawalan siya ng malay at nang magising siya ay wala na si Brown.

Nangingitim at namamaga umano ang mga mata ni Rihanna at may bakas ng mga palad sa kanyang mga braso. 

Show comments