Ibinulgar ang mga nakarelasyon

Deny to death si Mark Herras na pabling siya, na nangungulekta siya ng girlfriend at hindi nagtatagal ang naging relasyon nila.

“Sino ba naman ang ayaw ng matagalang relas­yon? Kung pwede nga sana ang matagpuan ko ay permanenteng karelasyon na, pero siguro hindi pa nakatakda, kaya ang mga relasyon ko ay pawang shortlived, matangi kay Jennylyn (Mercado) dahil isang taon at kalahati inabot ang aming relasyon. Pero yung kina Marian (Rivera) at Lian (Paz ng EB Babes) ay parehong tig-aanim na buwan lamang.

“Pinakamabilis yung sa amin ni Rhian (Ramos), siguro dahil MU lang ito kaya hindi ko malagyan ng time element. Nangyari lang ito nung ginagawa namin yung ITALY.

“Hindi ako ang nagbulgar ng naging relasyon namin ni Rhian. Siya ang umamin. Tinext ko siya at sinabi ko sa kan­ya na walang nanggagaling sa akin. I had to explain dahil alam kong mayro’n siyang loveteam na pinoprotektahan.

“Si Marian naman ang nakipag-break sa akin dahil feel daw niya ay in love pa ako kay Jennylyn. Kabi-break lang namin nun ni Jennylyn pero umalis kaming magkasama papuntang New York dahil may ginawa kaming TV series, may nagkwento kay Marian na sweet kami sa set kaya biglang natapos ang aming relasyon,” mahabang kwento ni Mark.

Magkasamang muli sina Mark at Jennylyn sa pinaka-bagong serye sa Dramarama sa Hapon ng GMA, ang Paano Ba ang Mangarap. Pero ’di tulad ni Rhian na kailangan niya nung lumabas yung isyu na nag-on sila, wala na silang ganitong problema ni Jennylyn. Katunayan, naging smooth ang pagtatra­baho ng dalawa.

“Siguro dahil naging magkaibigan kami ni Jennylyn matapos kaming nagkarelasyon. At hindi naman sikreto ang naging relasyon namin, ’di tulad nung kay Rhian na kung hindi sa kanya nanggaling ay walang maka­kaalam. Wala namang dapat ipagsabi dahil, sabi ko nga, MU lang kami, walang pormal na relasyon,” paliwanag ng aktor.

Magsisimula ang serye sa Pebrero 16. Isa itong block­buster film noong ’80s na nagtampok kina Vilma Santos, Christopher de Leon at Jay Ilagan. Kwento ng isang babae at ang paghahanap niya ng tunay na pag-ibig.

Sikreto ang relasyon nina Lissa (Vilma noon, Jennylyn ngayon) at Benny Valder­rama (Hero Angeles), isang mayamang binata na ang pamilya ay nagmamay-ari ng isang minahan at jewelry business. Nabuntis si Lissa pero nangako si Benny na pakakasalan niya ito, binigyan pa niya ito ng isang singsing na pag-aari ng kanyang lola (Bing Loyzaga). Ipinaalam din niya sa kanyang kapatid na si Eric (Mark) ang tungkol sa relasyon nila ni Lissa. Pero, bago pa naganap ang kasalan ay naaksidente si Benny at bago siya namatay ay pinapangako niya si Eric na hahanapin niya si Lissa.

Sumailalim sa isang acting workshop ang cast para magampanan ng maayos ang kanilang mga roles. Para rin sa kanyang role, nagpalaki ng katawan si Mark para kapag topless siya ay hindi na siya nahihiya dahil hindi na siya payat.

* * *

Nagsimula ng maganda ang Year of the Ox sa Undisputed Jukebox Queen na si Imelda Papin na patuloy sa kanyang mga concerts sa US.

Matagumpay ang kanyang katatapos na palabas sa Cache Creek Casino Resort in Brooks, Northern California.

Kahit wala siya sa Pilipinas, ipinagdiwang pa rin ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan noong January 26 ang kanyang kaarawan.

Isinabay na rin sa selebrasyon ang pagbubukas ng Queen of Music Museum sa kanyang bahay sa North Fairview, Quezon City. Matatagpuan sa museum ang various memorabilia chronicling her start in the recording and enter­tainment indus­try and her eventual status as an en­tertain­ment icon and legend and out­standing public servant. Isa itong visual feast na nagta­tampok sa mga trophies and awards ni Imelda, a dazzling display of clothes, apparel and jewelry, and a cornucopia of interesting and impressive finds.

Mayroong The Imelda Papin Voice of the Heart Radio Show na umeere tuwing Linggo sa KLAV 1230 AM Radio (The Talk of Las Vegas). Madadagdagan ito ng dalawang oras starting February 15 at maririnig 2-4 p.m., Pacific Time. 

Show comments