Mark hindi na magpapa-cute

Boto sina Gary at Angeli Valenciano kay Rachelle Ann Go, girlfriend ng anak nilang si Gab Valen­ciano dahil nakikita ng mag-asawa na good in­fluence ang dalaga sa kanilang anak.

Sabi ni Gary, ang simplicity ni Rachelle ang nakita at minahal ni Gab at ’yon din ang nakita nilang mag-asawa sa dalaga.

Namangha lang si Gary sa mahal na Christmas gift sa isa’t isa nina Gab at Rachelle. Apple Macbook lang naman ang gift ng anak sa dalaga at worth P30,000 chair naman ang regalo ni Rachelle kay Gab.

Ipina-describe namin kay Gary ang upuan at ang nasabi lang nito’y it’s a kind of chair na kahit ilang oras nakaharap sa computer at gumagawa ng music si Gab ay hindi ito mapapagod.

“Gab just loves Rachelle,” sabi ni Gary na ibinuking ding nagpupunta sa house nila si Rachelle at masaya na ito at si Gab na nagpa-piano. Isa si Rachelle sa mga guests ni Gary sa repeat concert ng Gary V Live at 25 na gagawin sa Araneta Coliseum sa February 20. Ipakilala kaya siya ni Gary as his future daughter-in-law?

Si Rowell Santiago ang director ng concert, si Mon Faustino ang musical director at si Gary ang may concept at artistic direction. For tickets, call Ge­nesis Entertainment at 721-4405 local 201/ Studio V at 726-4614 and Ticketnet at 911-5555.

* * *

Excited si Mark Herras sa Paano Ba ang Manga­rap? dahil first mature role niya at nagpapa-cute lang siya ’pag sina Rainier Castillo at Jay Aquitania ang kaeksena. Kina-career daw niya ang acting niya rito at napuna ni Chynna Ortaleza na gumaganap na girlfriend niya na ’pag nasa set, tahimik lang siya at nagbabasa ng script.

Sobrang behaved siya hindi dahil takot siya kay direk Joel Lamangan, kundi dahil gusto na niyang seryosohin ang trabaho. Ilang beses na niyang naka­trabaho ang director at alam niya kung ano ang ayaw at gusto nito sa mga artista.

Suportado pala ni Mark ang balak na pagdede­manda ni Jennylyn Mercado sa isang tabloid dahil naniniwala siya sa ipinaglalaban nitong karapatan ng anak.

“May right siyang magdemanda dahil unang-una, nakiusap siyang ’wag kunan ang binyag, pero kinunan pa rin at nilabas pa ang mga pictures. Ang co-manager nga ni Jen at kaming mga ninong, ’di alam na bibinyagan ang baby niya,” wika nito.

* * *

Sa trade party ng GMA 7, na-announce ang Korean novela na gagawan ng Pinoy adaptation ng network at wala sa listahan ang Full Haus na marami ang nagpi-petition kung sino ang gusto nilang Kapuso star para gumanap sa role nina Justin at Jenny. Totoo yata ang tsikang nahi­hirapan ang istasyon na bilhin ang rights nito?

Ang binanggit na gagawan ng adaptation ay Stairway to Heaven, Attic Cat at Coffee Prince. Sa local naman, Angela Markado lang ang nabanggit at na-bump off na naman ang Captain Barbell Meets Darna. Baka next year na raw ito gawin.

Ayan, magsisimula nang mag-petition ang mga viewers kung sinong Kapuso stars ang gusto nilang mag­bida sa Stairway to Heaven, Coffee Prince at Attic Cat, pati na kung sino ang type nilang magbida sa Angela Markado.

* * *

Ngayong Miyerkles sa Gagambino, pinili ni Bino (Dennis Trillo) na iligtas ang buhay ni Lucy (Katrina Halili), pero mahuhulog pa rin ang dalaga sa itaas ng building.

Show comments