Proof that times are really hard, sumabak na rin sa flesh trade ang isang bagets actor na produkto ng isang malawakang talent search. But unlike a few who cater to gay patrons, karamihan sa mga parokyano ng aktor na ito’y mga babae.
Once ay nagpahanap ang isang mayamang babae na hindi naman katandaan ng ka-one-night stand through a showbiz pimp posing as a legitimate talent manager. The ‘human merchandize’ turned out to be the bagets actor with a price of P10,000 on his ‘‘lower head.’’
Pero mautak na rin ang aktor, ni-recruit niya ang kanyang kapwa ring produkto ng sinalihang patimpalak acting as the latter’s broker. Sampung libong piso rin ang pinipresyo niya rito, 30% of which represents his commission.
Ang hindi makahula sa dalawang aktor na ito with the same initials… K.J.! As in kill joy?
* * *
Remember Mang Pandoy na sumikat noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos who lived and died seeing the ugliest face of poverty? Well, meron nang isinilang na bagong inspirasyon para sa bawat Pinoy na nangangarap umunlad ang buhay, introducing Mang Pacing.
Mang Pacing was one of 16 small entrepreneurs na nabahaginan ng isang daang libong piso mula sa pa-contest last year ni Senator Manny Villar. Now with a thriving ‘itikan’ business, totoo nga ang kasabihang you don’t kill the goose that lays the golden egg, hayun at literal na nangingitlog ang negosyo ni Mang Pacing, thanks to Sen. Villar’s so-called Stimulus Package bilang hudyat sa sinimulan niyang Entrepreneurial Revolution.
While we’re used to egghunt during Easter, all year round ang pakinabang ni Mang Pacing sa kanyang mga itlog (no pun intended). Sa katunayan, isang newspaper-made basket of salted eggs wrapped in beribboned cellophane ang natanggap namin from Sen. Villar all the way from Mang Pacing’s itik farm.
Caught in global recession, hindi raw ito dahilan, ani Sen. Villar, para hindi malampasan ang hirap ng buhay. As the solon puts it, sipag at tiyaga lang ’yan.
* * *
Until I am given the go-signal shall I identify the showbiz reporter who’s gunning a seat in the Quezon City Council come May 2010 elections. Pero malayo pa man ang halalan, huwag isnabin ang nakukuhang positive response ng kapatid natin sa panulat mula sa kanyang mga nasasakupan.
Biases set aside, naniniwala ako sa kakayahan ng well-loved reporter na ito. Ang pagiging responsible niyang anak, kapatid, asawa at ama sa kanyang pamilya says it all.
Mahulaan mo kaya siya, Salve dear?