Masarap umibig. Pero ang bawa’t relasyon ay may kakabit na problema na kadalasa’y kalungkutan at paghihiwalay ang resulta.
Sa Life and Style with Ricky Reyes ngayong Linggo sa QTV-11, alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga’y may diskusyon ang host na si Mader Ricky sa mga panauhing sina Jonalyn Viray, Mae Flores, Michael Garcia at Selina Sevilla tungkol sa pakikipagrelasyon.
Estudyante ng Ateneo de Manila ang ramp at commercial model na si Marilyn Borja. Sa Great Hair Day ay bibigyan siya ng panibagong make-up at ayos ng buhok para ma-impress niya ang kanyang Romeo.
Sa Tesda Vida ay isasadula ang buhay ni Regie Guevarra na isa sa mga pinalad na maging scholar ng bagong kursong Aircraft Maintenance Mechanic sa ilalim ng PGMA Scholarship Program. Itatampok din ang paglulunsad ng Bagong Hanapbuhay project ng Pangulo na ginanap sa Caloocan City Hall noong February 4.