Nasaksihan ni Jiggy Manicad ang paghihirap ni Corporal Abeto na nagtamo ng mga sugat at naghintay sa naantalang medical evacuation, dahilan upang siya’y maubusan ng dugo at kalauna’y mamatay.
Dahil dun, naka-level ng 24 Oras ang CNN na nakakuha ng Bronze World Medal para sa Continuing Coverage of Iraq, at Hong Kong i-Cable News Limited na naging finalist para sa Sichuan Earthquake - City Of Death.
“The story of Cpl. Angelo Abeto proves we are still a land of heroes. That in the midst of stories about corrupt government officials and manipulative businessmen, there are Filipinos who genuinely love the country,” ani 24 Oras Executive Producer Tonio Magsumbol.
Nagkamit naman ng Silver World Medal sa Best Newscast category ang 24 Oras para sa coverage nito ng Lanao Del Norte Attacks noong Agosto 19, 2008.
Pasok dito ang ulat nina Ivan Mayrina, Maki Pulido, Michael Fajatin at Chino Gaston tungkol sa mga nasusunog na bahay at ari-arian sa bayan ng Kolambugan na hinihinalang kagagawan ng MILF.
Walang ginawaran ng Gold World Medal para sa Best Newscast ngayong taon sa New York Festivals na nangangahulugang ang Silver World Medal for Best Newscast na nakuha ng 24 Oras ang pinakamataas na parangal na binigay sa kategoryang ito.
Ikinatuwa ng mga anchor na sina Mel Tiangco at Mike Enriquez ang dalawang panalo ng 24 Oras sa New York Festivals.
“It is a blessing and an inspiration to work with the men and women of GMA News and Public Affairs,” dagdag naman ni Mr. Enriquez.
Say naman ng GMA News Vice President Jessica Soho: “I am extremely proud of 24 Oras. It is no mean feat that our humble newscast beat the world’s heavyweights in perhaps the toughest categories of the New York Festival. Saksi also won the Gold World Medal for Best Newscast in 2002. With our twin wins now, it’s as if we have gone full circle. It is, to me, an affirmation that GMA News can compete and win against the best in the world.”