Bagong gf ni Martin nasa concert nila ni Pops

Tinupad ni Jomari Yllana ang sinabing hindi siya makikita sa Missing You concert ng nobyang si Pops Fernandez at Martin Nievera dahil nasilayan lang siya ng tao noong hindi pa nagsisimula ang concert at nang magsimula’t hanggang matapos ang show, sa backstage na siya’t na-acknowledge na lang siya nina Pops at Martin.

Totoo pala ang ipinagmalaki ni Jomari na magaling sa gitara at mahusay kumanta si Robin Nievera at pati ang kapatid nitong si Ram Nievera ay naki-jamming din sa kapatid at sa mga magulang. Ang ganda nilang tingnan na magkakasama sa stage, pero nakalulungkot isipin na after the show, sa ibang bahay umuwi si Martin.

Muling nagkaiyakan sina Martin at Pops nang basahin ang tinawag nilang “now” vows, kung saan, nag-promise silang magiging friends forever at magtutulong sa pagga-guide sa kanilang dalawang anak.

Curious lang kami, nasa audience kaya ang special someone ni Martin sa concert nila ni Pops? Letter A raw nagsisimula ang pangalan nito at unti-unti nang inilalabas ni Martin.  

* * *

Nakita ng press ang direktor na magdidirek ng remake ng hit sexy movie at tatampukan ng controversial actress. Tinanong si direk kung matutuloy pa ang project at kung kailan niya sisimulan ang shooting?

Hindi malaman ng director kung paano sasagutin ang tanong at nagpahaging pa na kung matutuloy ang project, baka ibang actress na ang magbida. Tinanong nito ang press kung kanino babagay ang project sakaling iba na ang magbida?

Pero ang usap-usapan, shelved na ang pelikula dahil sa controversy na kinasangkutan ng actress na dahilan din para mag-flop ang huling pelikulang ginawa nito kahit maganda ang istorya, mahuhusay ang cast at magaling ang direktor.

Unfair ito sa actress dahil hindi lang siya ang may kasalanan kung tutuusin, pero ganoon sa showbiz. Ang gusto naming alamin ay kung ano ang mangyayari sa pinirmahan niyang movie contract sa isang film company? Null and void na rin ba ’yon at babayaran ba siya ng producer sa pelikulang dapat niyang gawin na hindi na niya magagawa?

* * *

Nasangkot si JC Tiuseco sa balitang hiwalayan nina Jennica Garcia at Mart Escudero (itinanggi ito ng young actor at ng manager niyang si Popoy Caritativo) dahil ang pagti-text daw niya sa young actress ang isa sa pinag-awayan nina Mart.

Itinanggi ni JC na nagti-text siya kay Jennica na nakasama niya sa isang episode ng Maynila. Kahit cool off sila ng girlfriend niyang lawyer na si Alu, wala siyang balak manligaw sa iba. Sa sinisimulang showbiz career at sa studies siya focused ngayon. Thrice a week siyang napapanood sa Unang Hirit at graduating this March, kaya out muna ang mga girls sa kanya.

Masaya rin ito at kasama na siya as endorser at image model ng Penshoppe at balita namin, ilo-launch siya sa Trinoma sa linggong papasok. Tuloy din ang acting workshop ni JC para ’pag may acting offers na dumating ay hindi na siya mabigla.

* * *

Sa part four ng Bulong ng Puso episode ng Dear Friend na mapapanood this Sunday after SOP, on na sina Patrick (Dion Ignacio) at Toni (Jennica Garcia), pero makikita ng dalaga na ginagamit lang siya ng nobyo para buhayin ang pagkatao ni Amor (Rich Asuncion). Umaaligid pa rin si Mateo (Mart Escudero) sa dalaga at makikitang mas komportable siya rito.

Show comments