^

PSN Showbiz

Matapaos manganak: Aubrey pinayagang magpa-sexy ni Troy

RATED A - Aster Amoyo -

Kahit ayaw pang umamin nina Rhian Ramos at JC de Vera sa media at publiko tungkol sa kanilang totoong relasyon, obvious na may espesyal na una­waan na ang dalawa.

Sa isang intimate dinner na ginanap sa Toki Ja­panese Fusion & Fine Dining restaurant sa Bonifacio Global City noong nakaraang Martes (February 3) ng gabi para sa kaarawan ng big boss ng IPS at PIMSI na si Koji Miyashita, dumalo sina Rhian at JC na parehong naka-casual attire.

Naka-short-shorts si Rhian with matching jacket habang naka-maong jeans at jacket naman si JC. Sa kanilang unguarded moments, madalas na nakapatong ang kamay ni JC sa hita ni Rhian na puwede lang gawin ng isang lalaki sa isang babae kung meron silang relasyon. Kakaiba ang closeness ngayon nina Rhian at JC na nagsimula sa set ng kanilang katatapos pa lamang na TV series, ang local franchise ng Lalola. Kitang-kita naman sa kanilang mga kilos na sila na.

 Kayo na ba? birong tanong namin sa dalawa.

“Hindi pa po,” natatawang tugon ni Rhian pero iba naman ang nakikita namin sa kanila.

Ngayong tapos na ang Lalola, pahinga muna ang loveteam o team-up ng dalawa dahil ilalagay sila sa isang magkahiwalay na TV series, si Rhian sa bagong TV series ni Richard Gutierrez na Zorro at sa ibang programa naman malalagay si JC. Siyempre, may halong lungkot kina Rhian at JC dahil hindi na sila magkakasama sa taping.

Samantala, mukhang nagiging paboritong leading lady ni Richard si Rhian dahil pang-apat na team-up na nila ito sa telebisyon na nagsimula sa Captain Barbell na sinundan ng Lupin at Asero. Nagkasama pa ang dalawa sa pelikulang The Promise.

Binigla rin namin si Rhian na hindi kami naniniwala na hindi siya niligawan o naging sila ni Richard, isang kakaibang ngiti lamang ang kanyang naisagot sa amin sabay sabi ng “pareho pa kaming bata noon!”

Meaning, niligawan siya ni Richard o naging sila. Yun na!

* * *

Kung sina Richard at Dingdong Dantes ang hottest male stars ng GMA 7 ngayon, nakabuntot naman sina Dennis Trillo at JC na may anim na taon na rin pala sa showbiz.

Si JC ay nagsimula sa youth-oriented program na Click noong 2003. Matagal-tagal din ang kanyang ipinaghintay bago siya nabigyan ng magandang break ng kanyang home studio. Si JC ay isa sa maraming alaga ng talent manager-cum concert producer na si Annabelle Rama.

Bago kay Rhian, na-link din noon romantically si JC kina Michelle Madrigal at Pauleen Luna.

Speaking of JC, pinuna namin ito na hindi bagay sa kanya ang blonde hair pero sinubukan lamang daw niya ito at ibabalik din naman sa dati.

* * *

Gustong magbalik-showbiz ni Aubrey Miles ngayong nakapagsilang na siya at four months old na ang baby nila ni Troy Montero. Balik na ang dating seksing katawan ni Aubrey at hindi aakalain na ito’y nanay na. Puwede pa rin daw siyang magpa-sexy pero hanggang two-piece bikini lang at may basbas umano si Troy sa kanyang pagbabalik-showbiz.

Samantala, hanggang ngayon ay patuloy pa ring dinidinig sa HLURB ang reklamo nila nina Ara Mina at Maui Taylor laban sa producer-turned housing developer na si Rose Flaminiano. Hinaharap din nila ang perjury case na isinampa naman laban sa kanilang tatlo ng lady producer.

ANNABELLE RAMA

ARA MINA

AUBREY MILES

BONIFACIO GLOBAL CITY

CAPTAIN BARBELL

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

FINE DINING

KOJI MIYASHITA

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with