Jomari sumugod sa senado

Bakit ganun, this month na ang showing ng You Changed My Life, pero wala pang masyadong promo?

I think, February 25 na, pero ni wala pa silang pinatatawag na presscon. Usually, a month or more pa yata kung mag-promote sila, pero ngayon parang wala pa though marami-rami nang trailer.

Anyway, marami na ang excited mapanood uli si Sarah Geronimo with John Lloyd Cruz na sequel ng super blockbuster nilang A Very Special Love.

Actually, mas malakas ang kilig factor ng You Changed My Life sa napapanood nating trailer.

“Hindi na kami makahintay,” sabi ng isang super fan ni Sarah na kasama ko sa bahay na isa rin sa maraming tagahanga ng actress/singer na bumuboto sa MYX Channel Music Awards kung saan anim na kategorya nominated si Sarah.

Record breaking ang A Very Special Love last year. Ultimo ang mga kasabay nitong foreign films, taob sa launching movie noon ni Sarah.

Bukod sa malaki ang kinita sa takilya na naging basehan para tanghaling box office queen ang alaga ni Mr. Vic del Rosario, nag-number one din sa video ang nasabing pelikula ng Star Cinema

 At in fairness, dahil maganda ang pelikula, graded A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB). Hindi rin ito masyadong pumatok nang ipirata dahil mas gusto noon ng marami na sa sinehan manood. More than P200 million ang kinita nito.

Kaya nga sa You Changed My Life, parang mas bongga ang pelikulang ito na si Direk Cathy Molina pa rin ang nag-handle.

Anyway, pagkatapos ng showing ng You Changed My Life, aalis si Sarah para sa kanyang The Next One US Tour kasama sina Billy Crawford at Mark Bautista.

Pagbalik niya ng bansa, gagawa siya ng panibagong album at sisimulan ang one season serye sa ABS-CBN na ayaw pa nilang i-reveal kung ano.

After that, naka-schedule na naman siyang mag-concert sa Araneta Coliseum at isa pang pelikula bago matapos ang taon.

Busy ang 2009 para kay Sarah. “Pero hindi ko kino-consider na trabaho lahat. Enjoy ako sa ginagawa ko at nagpapasalamat ako sa maraming biyaya,” sabi ni Sarah.

* * *

Mabuti naman at tagumpay ang concert nila Pops Fernandez at Martin Nievera sa Araneta Coliseum kamakalawa ng gabi at nagbunga ang kasipagan ni Jomari Yllana na magbenta ng tickets.

Imagine, nakarating pala ang aktor hanggang sa senado para magbenta ng tickets sa mga opisina ng senador. Pero dahil wala namang masyadong oras ang ibang senador na manood, nakinabang ang kanilang mga staff na tuwang-tuwang sa mga libreng ticket na pinamigay ng kanilang mga bossing.

Si Jomari ang isa sa mga producer kaya talagang ginawa niya lahat para kumita sila.

* * *

Akala ko pa naman ang laking tao nitong si Bugoy Drilon noong nasa loob siya ng Pinoy Dream Aca­demy Season 2, pero bulinggit pala ito. Para kasing ang laki ng boses niya.

Pero kahit hindi siya katangkaran, at least may career naman siya. Dating nagsasaka lang siya sa Bicol, pero ngayon, ang sosyal, ang dami niyang fans. Thanks to PDA.

Last week ay ini-launch na ang kanyang first solo album titled Bugoy: Paano Na Kaya?

Lumabas man na pangalawa sa PDA, at least talbog pa rin niya ang nanalong si Laarni na wala pang album.

At ang the height, meron na siyang hit song - Paano Na Kaya na isinulat ni Mr. Ryan Cayabyab at consistent number 1 at na-nominate pa bilang Song Of The Year sa kanyang mga targeted radio stations nationwide. At ang kanyang carrier single para sa nasabing album na Muli ay patuloy na umaangat sa hit chart at hindi na malayong maging numero uno rin ito.

“Taos puso po akong nagpapasalamat sa kanila sa pagsuporta nila sa akin. Hindi lang po ‘yong una kong kanta, pati po ‘yong pangalawa kong kanta magiging No. 1 na din po. Kaya maraming salamat sa paniniwala nila sa talento ko,” say niya.

Show comments