Dahil sa milyon, tampo ni Aiai sa Star Cinema nawala

Muntik nang madulas si Ai Ai delas Alas at sabihin kung ilang milyon ang ibinigay sa kanya ni Mr. Gabby Lopez ng ABS-CBN at Star Cinema na bonus sa P200 million plus box-office gross ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat. Masaya raw siya sa bonus at nagbirong wala na siyang tampo sa Star Cinema dahil doon.

Masayang ibinalita ni AiAi na sisimulan sa March ang movie nila ni Sharon Cuneta sa Star Cinema at entry din ng film outfit sa 2009 MMFF ang Ang Tanging Ina OFW. Excited na rin siya sa  February 16, premiere ng morning show nila ni Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN entitled Ruffa and Ai. Nagbiro ang komedyana na pagpaplanuhan nila ni Ruffa kung paano patataubin ang Sis  para magtagal ang first morning show niya. 

Samantala, iniimbita ni AiAi ang lahat na panoorin siya sa pre-Valetine show niya sa Ai-Sarap resto bar sa February 13 billed Ai Lab U. Acoustic ang inihanda niyang show and for P1,000 worth of ticket, may show na’y may dinner pa kayong prawn and steak. Bilisan n’yo lang bumili ng tiket dahil 150 lang ang seating capacity and for ticket inquiries, call Ai Sarap at 3762424 or 0918-8882424.  

* * *

Malaki ang tiwala ng gumagawa ng Sisters sanitary napkin na malaki ang maitutulong ni Maja Salvador sa campaign nilang mailapit pa sa consumers ang kanilang produkto dahil kilala at magaling na actress ang dalaga. Napi-pressure man, masaya si Maja sa tiwala sa kanya para i-endorse ang brand ng napkin.

Nangako sina CEO/President ng Megasoft Mr. Emilio Go at VP for Finance Aileen Go na ‘pag lumaki na ang Sisters Sanitary Napkin, magkakaroon ng TVC si Maja. Ngayon ay sa billboard at print ad muna makikita si Maja.

Samantala, itinanggi ni Maja na nagkabalikan sila ni Carlo Aquino, pero may komunikasyon sila at nanatiling magkaibigan. On the other hand, hindi raw nanliligaw si Rayver Cruz sa kanya dahil si Sarah Geronimo ang gusto nito’t ayaw lang aminin.

Nag-spoiler din si Maja sa role niya sa pelikulang T2  ng Star Cinema. Multo raw ang role niya rito at excited makasama si Maricel Soriano at muling maidirek ni Chito Roño.

* * *

Tuloy ang pagka-busy ni Rufa Mae Quinto after Status: Single at gusto niya sanang sundan ito ng isa pang co-produced movie with Viva Films, pero ‘di niya magawa dahil fully booked siya up to June at kung gagawa man ng pelikula’y, middle of this year na. 

Aalis si Rufa Mae sa February 18 for an 11-city tour at hanggang March siya sa ibang bansa. Pagbalik niya, magti-taping siya para sa Zorro, kung saan gaganap siya sa role ng isang mamasan. Sa May, guest siya sa show nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa Canada.

Sa May 28, may pinaplano siyang birthday at major concert, pero wala pang venue at titiyakin niyang mag-i-enjoy ang manonood. Wala mang lovelife, masaya pa rin si Rufa Mae sa patuloy na pagdating ng maraming projects.

* * *

Sa Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? hosted by Janno Gibbs ang freelance writer at Igleserang si Crystal Rebucas ang muling susubok makuha ang mailap na jackpot prize. Buwena manong tanong ay may katapat na P50,000 at ‘pag nasagot, dadalhin siya sa safe zone.

Second player ang celebrity couple na sina Giselle Sanchez at Emil Buencamino na parehong graduate sa UP Diliman. 

Show comments