'Rosalinda' mahirap nang Kausap?

Kamukha sa unang tingin ni Ms. Charlene Gon­zales ang bagong alaga ng GMA 7 na si Carla Abellana na napisil nilang gumanap na Rosalinda. Ipinakilala si Carla sa ginanap na trade launch at thanksgiving party ng GMA 7 na pinamagatan nilang GMA Valentine Partnership Party noong Pebrero 2.

Sa nasabing trade launch, sinabi na rin nila ang mga bagong programa ng GMA 7 para sa 2009.

Bukod kay Carla, siyempre present ang malalaking Kapuso stars sa nasabing trade launch tulad nina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Regine Velasquez, Robin Padilla, Manny Pacquiao, Richard Gomez, Iza Calzado, Sunshine Dizon, Jean Garcia, Mark Anthony Fernandez, Alfred Vargas, Dennis Trillo, Heart Evangelista, JC de Vera, Rhian Ramos, among others. Pero sana hindi true ang tsismis na ngayon pa lang ay mahirap nang kausap ang kampo ni Carla.

May nagsabi na kasing hirap silang kausap ang mga ito. (SVA)

Show comments