Soundskool bands natuwa sa makeover

Maalab ang pagtatanghal ng 13 band finalists ng Nescafe Soundskul competition sa final night na ginanap kamakailan sa ULTRA. 

Sa kumpetisyong ito ay nalikha ang bagong henerasyon ng mga band superstars sa tulong ng mga mentor bands na Sandwich, Sugarfree, Pupil, JR Kilat, UrbanDub, UpDharma Down, 6Cyclemind, Cueshe, Callalily, ChicoSci, Itchyworms, Moonstar 88, at Spongecola.

“Inihanda kami nito sa finals at nagkaroon kami ng kumpiyansa sa pagpasok sa industriya,” sabi ni Aldrick Yu, vocalist ng Letter Day Story mula sa South East Asian College na winner ng Nescafe Soundskool 2008.

Naiuwi ng banda ni Yu ang P250,000 cash prize, isang record label deal mula sa Sony BMG Music Entertainment at P150,000 halaga ng band set up para sa kanilang eskuwelahan.

Tulad ni Yu, iniisip ng maraming finalists na nakapagpalakas ng kanilang kumpiyansa ang star makeover.

Para kay Lorenzo Flores ng Hooligans ng University of Santo Tomas, “Binigyan kami ng makeover ng tsansang maging isang star.”

Bukod dito, tinuruan din ang mga finalists na magsuot ng tamang damit sa entablado.

“Naturuan kami sa makeover na maging maayos sa aming itsura at pananamit para walang mainis sa amin lalo na sa mga kabataan,” sabi naman ni Oliver Agustin ng Letter Day Story.

Bago naganap ang makeover, lahat ng 13 bands ay sumailalim sa isang workshop program kasama ng mga miyembro ng Sandwich, Sugarfree, 6Cyclemind, at Callalily.

Show comments