Nahakot ng ABS-CBN ang prestihiyoso at major awards ng Gandingan na Best TV Station, Best AM Station, Best FM Station at Best Music Station sa ikatlong magkakasunod na taon. Naiuwi ng Network ang 14 sa 26 awards.
“Ang award na ito ay nagsisilbing isang inspirasyon para sa buong ABS-CBN management at binibigyan namin ito ng importansya. Malaking karangalan para sa amin ang makatanggap ng Best Station of the Year sa nakalipas na tatlong taon. Inaasahan namin ang ating muling pagkikita sa susunod na taon,” pahayag ng ABS-CBN Production Development and Control HeaD Linggit Tan, na siyang tumanggap ng Best TV Station of the Year para sa Kapamilya network.
Sa ikatlong magkakasunod na taon, natanggap din ng ABS-CBN ang mga parangal na Best News Anchor award para kay Korina Sanchez, Best Disk Jock para kay Martin D, Best Video Jock para kay Iya VillanIa at Best Talk Show Host para kay Boy Abunda.
Kasama rin sa mga parangal ng ABS-CBN ang Best Morning Show para sa Umagang Kay Ganda, Most Development-Oriented Panel Discussion Program para sa Harapan, Best Panel Moderator para kay Ted Failon at ang mga two-time awardees na Best AM Announcer para kay Korina Sanchez, Most Development-Oriented AM Radio Station para sa DZMM at Best Talk Show para sa Boy & Kris.
Sinimulan ng UP Community Broadcasters Society noong 2007, ang Gandingan 2009 ay ang pinaka-una at namumukod tanging UP-based awards na kumikilala sa pinakamagagaling na broadcasters at broadcast programs sa bansa na siyang pinagbotohan ng mga estudyante ng UPLB.