Singer/actress nadi-depress pag katabaan ang pinag-uusapan

Naloka ang isang reporter sa ini-interbyung singer-actress na biglang nag-flare-up at nilektyuran siya kung paano mag-conduct ng proper interview. Ang tanging kasalanan ng reporter ay binati niya ang singer-actress ng “tumaba ka yata.” Hindi alam ng reporter na sensitive ang singer-actress sa weight issue.

Hindi na nakapag-interview ang reporter dahil nag­litanya ang singer-actress na hindi dapat tinatanong ng timbang at lalong hindi dapat isinusulat na mataba ang isang artista dahil ikinade-depress ito at ang iba’y nagkakasakit dahil hindi na kumakain para ‘di mata­wag na mataba.

Inisip na lang ng reporter na may rasong maging OA sa reaction ang singer-actress dahil mataba naman talaga siya at tila hindi na mapigilan ang pagla­pad ng kanyang balakang dahil sa kakakain.

* * *

May kissing scene sina Anne Curtis at Derek Ramsay sa The Wedding, ang TV show nila sa ABS-CBN kasa­ma si Zanjoe Marudo. Bi­niro ang actress kundi ba nila pag-aawayan ni Ange­lica Panganiban na co-Swatch Skin endorser niya na kahalikan niya ang boyfriend nito?

“Alam niyang trabaho lang ang ginagawa namin at wala siyang dapat ipagselos sa akin. Saka, pumupunta siya (si Angelica) sa taping namin, pero wala siya noong day na kinunan ang kissing scene namin ni Derek. Maganda nga ‘pag dumarating si Angelica dahil laging may dalang food, nagpapaluto kami sa kanya,” pahayag ni Anne.

Sa June ang airing ng The Wedding, eight weeks lang itong tatakbo at breaker lang at isasabay sa buwan na marami ang ikinakasal. Para raw itong Korean novela, very funny ang mga eksena at may drama rin.

Akala rin ni Anne, kanselado na ang project na ito’t last year pa at nagulat na lang siya nang mala­mang magre-resume sila ng taping. Kasama rito si Eula Valdez na nagpasabi nang hindi makakapag-taping dahil magsisimula nang mag-taping ng All About Eve ng GMA-7.

* * *

Hindi lang artista si Carmi Martin, practicing interior designer din siya at sabay nga sa taping niya ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ang pag-i-interior design sa aniya’y dalawang small condo.

Hindi na niya puwedeng bitawan ang proyekto’t tinanggap niya bago dumating ang offer ng GMA-7.

Five years ng interior designer si Carmi at 20 projects na ang nahawakan niya. Nag-celebrate naman siya ng 29 years niya sa showbiz last January 7, at wala siyang balak na iwan ang pag-aartista dahil mahal niya ang showbiz. Nagbiro itong mas malaki pa rin ang talent fee niya bilang artista kesa tf niya as interior designer.

Istrikta at matapobreng ina ni Dingdong Dantes ang ginagampanan ni Carmi sa Ang Babaeng…. She finds the actor to be very discipline, magaling at “guwapung-gwapo ako sa kanya. Kapag naglalakad siya, ‘di puwedeng ‘di mapagkamalang artista dahil sa hitsura at tindig. Wala pa akong masasabi kay Marian (Rivera) dahil wala pa kaming eksenang magkasama,” wika ni Carmi. 

Show comments