May nagkagusto at meron ding ayaw sa blonde hair ni JC de Vera, pero sabi naman ng aktor, two weeks lang siyang blonde habang wala pang ginagawa dahil kahit umeere pa ang Lalola, tapos na ang kanilang shooting. Kumbaga, in between jobs ang hairstyle niya.
Nag-spoiler si JC sa magiging ending ng Lalola, pero bawal isulat para masorpresa ang mga viewers at magugulat sila sa mangyayari sa mga batang sina Melissa at Boogie. Magugulat din ang mga viewers sa mangyayari kay Aguirre (Eddie Garcia).
Wish ni JC na sila pa rin ni Rhian ang magkatambal sa next project nila at wish granted kung tama ang dinig namin na Pinoy adaptation daw ng Korean novela ang kanilang gagawin.
Samantala, hindi naniniwala si JC sa Rhian-Sam Milby issue at bumisita lang ito sa taping ng Lalola dahil kaibigan ni Say Alonzo. They were introduced, pero hindi sila nag-usap dahil wala raw silang pag-uusapan.
Mas apektado si JC sa nabuking na secret relationship nina Rhian-Mark Herras na sa press lang niya nalaman. Ang alam niya’y na-link ang dalawa nang magkasama sa My Only Love at ITALY, pero walang relasyon (nag-deny si Rhian). Biglang tumahimik si JC at pangiti-ngiti lang, biniro namin si Rhian na matakot sa pananahimik ng aktor. Sa nalaman, sana hindi magbago ang plano ni JC to invite Rhian na lumabas sila sa Valentine’s Day.
* * *
Naging ex-boyfriend pala ni Gemma Fritzgerald ang basketball player na si Jimmy Alapag, siya ang sumunod nitong nobya kay LJ Moreno, pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon. Una rito, naging boyfriend ng half-Australian beauty si AJ Dee na nakipag-break sa kanya, kaya nang gusto siyang balikan ay hindi na niya tinanggap.
In fairness, hindi lang pakikipag-boyfriend ang inaatupag ni Gemma dahil mainstay siya sa ASAP kasama ang Koolchx at may solo show siya sa Casino Filipino. Thankful ito na ’di siya pinababayaan ng Star Magic at talagang hinahanapan ng trabaho.
* * *
Si Isabel Oli ang iinterbyuhin ni DJ Mo Twister sa Gimme Mo segment ng Showbiz Central. Sana, tanungin ang dalaga sa isyung sinundan niya si Lian Paz sa pagsa-shopping nito at paglabas ng tindahan ng girlfriend ng ex niyang si Paolo Contis, saka siya pumasok. Itinanggi ito ni Isabel sa isang kaibigan at never daw niyang ginawang i-stalk si Lian.
Usisain din sana ni Mo si Isabel kung saan napunta ang ring na binigay sa kanya ni Paolo noong sila pa ang may relasyon. Nasa kanya ba ito o isinoli niya?
But at least, “great woman” ang description ni Paolo kay Isabel nang makausap ito ng press sa presscon ng My Dad is Better Than Your Dad. Hindi rin daw niya iniiwasan ang ex-GF at hindi lang talaga sila nagkikita.
* * *
Masaya si Mart Escudero sa magandang ratings ng Bulong ng Puso, ang episode ng Dear Friend na bida sina Jennica Garcia, Rich Asuncion at Dion Ignacio. Magandang motivation sa kanya na nagugustuhan ng mga viewers ang show para mas galingan pa nila ang trabaho.
Masusubok pa ang husay ni Mart sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang kung saan, gumaganap siyang adik at lasenggong kapatid ni Marian Rivera.