Toni may edad na; Sarah ipinalit na endorser ng pampaganda
Busy ako sa pakikipagtsikahan sa mga reporters noong Biyernes ng hapon kaya hindi ko napansin ang pag-iyak ni Rhian Ramos.
Nalaman ko lang ang kuwento mula sa mga kausap ni Rhian na napaiyak ito nang aminin na na-in love siya kay Mark Herras.
Wala akong makitang masama sa pag-amin ni Rhian na minahal niya si Mark dahil dalaga siya, binata naman si Mark. Normal lang na magkagustuhan sila, ’di ba?
Napilitan si Rhian na umamin sa true feelings niya kay Mark dahil hindi siya tinantanan ng mga imbestigador na reporters.
Naloka raw si Rhian nang malaman nito na inamin ni Mark sa isang presscon na apat na buwan ang itinagal ng love affair nila.
May nag-comment naman na hindi gentleman si Mark dahil sa admission na ginawa nito.
Hindi kasalanan ang maging honest ‘no! Tinanong si Mark ng mga reporters, eh ’di sumagot siya ng totoo. Hindi basehan ng pagiging kiss-and-tell ang honesty ni Mark. Lalo nga siyang nagustuhan ng press dahil hindi niya pinaglalaruan ang mga reporters.
Hindi na uso ngayon ang mga artistang nagdi-deny. Madaling kausap ang entertainment press. Kung honest sa kanila ang mga artista, mapagkakatiwalaan ng sikreto ang press people. I should know ‘no!
* * *
Aligaga si Paolo Contis sa promo ng My Dad is Better Than Your Dad na magsisimula sa susunod na Linggo, February 8.
Sinusuyod ni Paolo ang lahat ng mga shows ng GMA 7 para i-promote ang kanyang sosyal na game show.
Nag-guest siya kahapon sa Eat Bulaga at Startalk. Kita n’yo naman, sumayaw pa silang dalawa ni Lian Paz sa Eat Bulaga, isang bagay na matagal nang hindi ginagawa ni Paolo.
Iba talaga ang epekto ng pag-ibig!
* * *
Si Sarah Geronimo ang bagong image model ng Careline. Siya ang replacement kay Toni Gonzaga na unang image model ng makeup line ni Papa Deocildo Sy. Pina-graduate na si Toni dahil lampas na siya sa age requirement na kina-cater ng Careline.
Good move ang ginawa ng Careline people na kunin bilang endorser si Sarah. Intriga-free at malinis ang image ni Sarah. Milyun-milyon ang kanyang mga tagahanga. Role model siya ng mga bagets.
Pupusta ako na lalong madadagdagan ang parokyano ng Careline Cosmetics. Ang lakas ng hatak ni Sarah huh!
Eh type pa ng mga reporters si Kristine Gabriel, ang in-charge sa marketing ng Careline at Everbilena Cosmetics.
Big factor si Kristine sa success ng kumpanya ni Papa Deocildo na nagdala sa akin noon sa Jakarta, Indonesia.
Wala kaming nakaraan ni Papa Deocildo ha? Isinama niya ako noon sa Jakarta para sa commercial shoot ng isang babae na nagpabaya sa kanyang showbiz career.
* * *
May pakisuyo ang PSN Las Vegas reader na si Dr. Michael Sta. Juana tungkol sa kanilang grand high school reunion:
Calling all the alumni of Makati High School Batch 1979 for a Grand Reunion on August 1, 2009 at the Makati Sports Club, L.P. Leviste cor. Gallardo Sts. Salcedo, Makati City.
For details, please contact the following: USA Group – Dr. Michael Sta. Juana, 1702-2459420, [email protected]; Rolando Busi - 732-2217965; Canada Group – Emma & Roland Ventura , 416-2891075; Philippine Group – Lucila Domingo -09228909966; Marcelino Verastique - 09182752068.
- Latest