Paolo driver na bodyguard pa ng dyowang dancer

Bantay sarado sa kanyang girlfriend na si Lian Paz, isang EB Babe si Paolo Contis. Sa isang taping ng magandang dancer, kasama niyang dumating si Paolo, pinaka-una silang dumating sa buong production crew, ipinag-drive daw siya ng aktor at host na ngayon ng bagong game show ng GMA 7, ang My Dad is Better Than Your Dad. Pero kahit na naihatid na niya si Lian sa taping nito ay hindi umalis si Paolo, hinintay niya hanggang makatapos ito ng taping.

Sa set ng My Dad is Better Than Your Dad, pilit na tinatanong si Paolo tungkol sa relasyon nila ni Lian pero, tumanggi siya, mas gusto niyang pag-usa­pan ang bago niyang programa na kahit balitang second choice lamang siya. Isa sa unang inalok para mag-host ng programa ay Vic Sotto pero tumanggi ito.

“Suwerte lamang ako dahil tumanggi sila, may trabaho ako, sila wala,” katu­wiran nito na umaming kahit ikalawang game show na niya ito ay nani­nibago pa rin siya, nangangapa.

Ang bagong game show ay magsisimula sa Peb. 8, Linggo. Papalitan nito ang Family Feud Celebrity Edition na bibigyan ng break, Lunes hang­gang Biyernes na lamang ito mapapanood.

Mga celebrity dads and kids ang mapapanood sa unang dalawang araw ng bagong game show, pagkatapos nito, mga ordinaryong fathers and sons na lamang ang maglalaro.Ang mga bata ay mula walo hanggang l0 taong gulang lamang samantalang ang kanilang mga ama ay dapat hindi lumampas ng edad 50 para makaya ang mga physical challenges na gagawin nila. Kaila­ngan din na kasama ang mga mommies at nanonood kasama ng audien­ce para maging inspirasyon ng mga asawa’t anak nila.

 Maaring mag-uwi ng P100,000 ang mananalong pares.

* * *

May ipinagmamalaking batang bituin ang ABS-CBN. Ito si Zaijian Jara­nilla na sasabak sa kanyang kauna-unahang primetime series na tumatalakay sa simpleng pag-asa at paniniwala, ang May Bukas Pa. Kwento ito ng batang si Santino at kung paano niya maapektuhan ang buhay ng bawa’t tao sa kanilang maliit na baryo dahilan sa kanyang pananalig sa Diyos. Palabas na ito sa Peb. 2.  

Unang napanood si Zaijian bilang batang John Prats sa Tiny Tony. Nakita na rin siya sa ilang komersyal sa TV.

* * *

Magsasama sina Eva Fonda at SCQ Alumnus Joross Gamboa at award-winning actor Albert Martinez sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado na kinunan sa China.

Sa direksiyon ni Dado Lumibao at panulat ni Shu­go Praico, isang naiibang kuwento ng pag­kaka­ibigan ang iikutan ng kuwento na gagam­panan nina Albert at Joross!

Matagal-tagal na ring hindi napapanood ang da­­la­wa sa drama anthology at welcome change ito sa kanilang mga roles na ginagampanan sa kani-kanilang mga teleserye. Sa ngayon ay napa­panood si Joross sa Eva Fonda samantalang ma­pa­­panood naman soon si Albert sa May Bukas Pa.

Show comments