Tuloy ang ligaya ng maliliit na producer na nagpipilit na makagawa ng mga makatuturang pelikula.
Buti na lang at napupunta sa talagang mga nangangailangan ang pondo ng Film Development Council of the Philippines sa pangunguna ni Mr. Jackie Atienza.
Kahapon ay ipinagkaloob ng FDCP ang P10,000 sa lahat ng finalist sa Cinemalaya 2008. Ang Cinemalaya ang isa sa nangangailangan ng financial support dahil maliliit ang mga producer na gumagawa ng pelikula rito.
Narito ang sampung binigyan ng tig-P100,000:
100 by Chris Martinez
Baby Angelo by Joel Ruiz
Boses by Ellen Ongkeko-Marfil
Brutus by Tara Illenberger
Concerto by Paul Alexander Morales
Huling Pasada by Alvin B. Yapan and Paul Sta. Ana
Jay by Francis Pasion
My Fake American Accent by Ned Trespeces and Onnah Valera
Namets by Jay Abello
Ranchero by Michael Christian Cardoz
Actually, super active ang FDCP sa pagtulong sa mga nangangailangan sa pelikula.
Nagbigay din sila ng P1.5 million kay Judy Ann Santos para sa Ploning na sa kasamaang palad ay hindi nakasama sa foreign film category sa Oscars.
Pero hindi pala ito dumaan sa mga kamay ng Ploning o kahit ni Juday dahil sila ang direktang nagbayad sa Wise Man, ang naging publicist ng Ploning sa Hollywood.
Kuwento ni Ms. Digna Santiago, Executive Director FDCP - PFESO, sila ang direktang nakipag-negotiate sa mga reporters at publicist sa Hollywood pati na rin ang plane tickets nila Judy Ann ay sila ang bumili. (SVA)