^

PSN Showbiz

Juday 'di humawak ng pera ng Ploning

-

Tuloy ang ligaya ng maliliit na producer na nagpi­pilit na makagawa ng mga makatuturang pelikula.

Buti na lang at napupunta sa talagang mga nangangailangan ang pondo ng Film Development Council of the Philippines sa pangunguna ni Mr. Jackie Atienza.

Kahapon ay ipinagkaloob ng FDCP ang P10,000 sa lahat ng finalist sa Cinemalaya 2008. Ang Cine­malaya ang isa sa nangangailangan ng financial support dahil maliliit ang mga producer na gumagawa ng pelikula rito.

Narito ang sampung binigyan ng tig-P100,000: 

100 by Chris Martinez

Baby Angelo by Joel Ruiz

Boses by Ellen Ongkeko-Marfil

Brutus by Tara Illenberger

Concerto by Paul Alexander Morales

Huling Pasada by Alvin B. Yapan and Paul Sta. Ana

Jay by Francis Pasion

My Fake American Accent by Ned Trespeces and Onnah Valera

Namets by Jay Abello

Ranchero by Michael Christian Cardoz

Actually, super active ang FDCP sa pagtulong sa mga nangangailangan sa pelikula.

Nagbigay din sila ng P1.5 million kay Judy Ann Santos para sa Ploning na sa kasamaang palad ay hindi nakasama sa foreign film category sa Oscars.

Pero hindi pala ito dumaan sa mga kamay ng Ploning o kahit ni Juday dahil sila ang direktang nagba­yad sa Wise Man, ang naging publicist ng Ploning sa Hollywood.

Kuwento ni Ms. Digna Santiago, Executive Director FDCP - PFESO, sila ang direktang nakipag-negotiate sa mga reporters at publicist sa Hollywood pati na rin ang plane tickets nila Judy Ann ay sila ang bumili. (SVA)

ALVIN B

ANG CINE

BABY ANGELO

CHRIS MARTINEZ

CHRISTIAN CARDOZ

DIGNA SANTIAGO

ELLEN ONGKEKO-MARFIL

EXECUTIVE DIRECTOR

FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

PLONING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with