Kay Mr. Vic del Rosario namin unang narinig na may five new endorsements si Sarah Geronimo at isa rito’y make-up, hindi nito binanggit kung anong brand ng make-up dahil bawal daw. Kaso walang sikreto sa showbis na hindi nabubuking, kaya nalaman din namin na Careline make-up line ang bagong endorsement ni Sarah.
Si Toni Gonzaga ang endorser ng Careline, sa contract signing ni Sarah malalaman kung pinalitan niya si Toni o silang dalawa na ang endorsers nang nabanggit na make-up line. May cologne pa raw i-endorse si Sarah, abangan natin.
* * *
Dalawang sunod na bunting-hininga ang sagot ni Lani Mercado sa tanong ng press sa balitang tatakbong presidente ng bansa ang asawang si Sen. Bong Revilla. Pero, alam natin na susuportahan nito anuman ang maging desisyon ng asawa na tatakbo sa 2010 elections.
Ipinakita ang teaser ng Panday ni Bong at kundi sa November ay isasali sa 2009 Metro Manila Film Festival. Wala pang kapareha si Bong at sabi ni Lani, ang GMA Films na co-producer ng Imus Productions ang mamimili. Binanggit nito sina Iza Calzado, Katrina Halili, Jennylyn Mercado, Rhian Ramos at Marian Rivera na posibleng maging leading lady.
Natawa si Lani nang biruin ng press kundi ba siya natatakot sakaling si Katrina ang makatambal ni Bong at ma-link ang dalawa? Ang agang intriga raw sa pelikula and besides, naging anak na niya si Katrina sa Marimar at maganda ang naging samahan nila.
Ang Saan Darating Ang Umaga lang ang regular show ni Lani sa GMA-7 at natuwa siya sa nalamang marami ang nakaka-miss sa Moms.
* * *
Naka-costume si Luis Manzano sa presscon ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Flash Bomba na kanyang pagbibidahan. Gawa ng rubber ang costume, hindi siya nahihirapan at naiinitan lang, pero dahil trabaho, hindi siya nagrereklamo. Kahit ang malalaking paa at kamay, hindi siya pinahihirapan at obvious na nag-i-enjoy ito sa bagong show.
Sa February 7 ang pilot ng Flash Bomba na sabi ni Luis, kaya niya tinanggap dahil kakaibang super hero. Nagi-enjoy sa limelight si Flash Bomba, pumipirma ng autograph, pumapayag makunan ng litrato at may fans day. Tuwang-tuwa rin ito sa endorsement ng inang si Gov. Vilma Santos sa show at sa kanya.
Ibinalita pala ni Luis na magaling na ang nobyang si Angel Locsin na nagka-dengue, nakalabas na ito ng ospital and on the way to recovery. One week pa at magaling na magaling na ang actress.
* * *
Bago ang presscon proper ng Flash Bomba, in-announce ni Deo Endrinal ang iba pang bagong shows ng ABS-CBN na sunud-sunod na magpi-premiere sa February. Mauuna ang May Bukas Pa sa February 2 at susunod agad ang Flash Bomba sa Feb. 7.
Sa Feb. 16, ang pilot ng morning show nina Ruffa Gutierrez at AiAi delas Alas na Ruffa and Ai at kapalit ng Boy & Kris nina Boy Abunda at Kris Aquino na hanggang Feb. 13 na lang. Monday to Friday pa rin ito mapapanood at bale third regular show ni Ruffa na co-host din sa The Buzz at kasama rin sa I Luv Betty La Fea.
Sa gabi ng Feb. 16, ang pilot naman ng SNN o Showbiz News Ngayon na ang hosts ay sina Boy at Kris. Kung nawala man sila sa morning slot, mapapanood sila sa gabi, Monday to Friday din ito at 30-minute pure entertainment news program.
Sa Feb. 23 naman ang pilot ng Florinda na pinagbibidahan ni Maricel Soriano. Three weeks itong eere, kaya maghanda nang matakot.
* * *
Sa Luna Mystika, mababangga ang kotseng minamaneho ni Dexter (Mark Anthony Fernandez). Pupuntahan siya ni Luna (Heart Evangelista) sa ospital, pero galit at ipagtatabuyan siya ng binata.
Bubugbugin naman ng taong-bayan si Alice (Sheryl Cruz) dahil sa paniwalang engkanto ang pinanggalingan nitong pamilya.