Happy 70th birthday kay Tito Alfie Lorenzo, isa sa haligi ng showbiz. The other night ay nagkaroon siya ng party sa Poolside ng Century Imperial Suites ni Mother Lily Monteverde. Kasama sa kanyang mga bisita si Ms. Charo Santos, presidente ng ABS-CBN at Ms. Cory Vidanes, Tita Annabelle Rama, Richard Gomez, Tito Douglas Quijano, Direk Joel Lamangan, Tita Malou Choa-Fagar, Tita Dolor Guevarra, Direk Boots Plata, Ms. Lani Mercado, Atty. Bonifacio Alentajan, at marami pang ibang kaibigan ni Tito Alfie.
Tandang-tanda ko pa kung paano niya noon pinukpok ng mikropono si Divina Valencia sa kanilang talk show. Nasa Bicol pa ako noon.
Anyway, maraming kuwento si Tito Alfie sa nasabing party at memorize pa talaga niya ang mga nangyari noon at ngayon sa showbiz.
Happy birthday Tito Alfie.
* * *
Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Status : Single ni Rufa Mae Quinto.
In fairness, nakakatawa ang pelikula at sinolo talaga niya. Si Paolo Contis lang ang madalas ka-eksena ni Rufa Mae and the rest, masasabing suporta na.
Si Mark Bautista, sandali lang. Iilang eksena siya bilang unang boyfriend ni Doris (Rufa Mae) na hindi man lang ‘ginalaw’ ang girlfriend kaya si Doris na ang nagparamdam.
Si Rafael Ro-sell, isang Amboy na nagta-trabahong bartender sa isang gay bar na pinuntahan nila kasama ang kaibigang bading na pino-portray nga ni Paolo.
Si Jon Avila, ang tatanga-tangang anak ng may-ari ng kumpanyang tinatrabahunan ni Doris. Naawa siya kaya tinuruan niyang baguhin ang pananaw sa buhay.
Nakakaaliw panoorin at siguradong maraming makaka-relate sa pelikulang sinulat at dinirek ni Jose Javier Reyes para sa Viva Films na showing sa Metro Manila theaters starting today. (SVA)