^

PSN Showbiz

Fanny Serrano tinawag na traydor!

- SEEN SCENE -

SEEN : Nagagalit si Jennylyn Mercado sa staff ng The Buzz dahil sa unauthorized coverage sa binyag ng kanyang anak noong Sabado. Privacy ang hinihingi ni Jennylyn.

What privacy? Humihingi ng privacy si Jennylyn na nagkukuwento sa media ng mga pribadong pangyayari sa buhay nila ni Patrick Garcia?

SCENE : Ang pagtataray ni Evelyn Alvaran-Cruz ng Hair Asia sa kanyang dating kaibigan na si Fanny Serrano. Nagsalita si Evelyn na nananalaytay sa dugo ni Fanny ang pagiging traydor.

SEEN : Nakapaghihinala ang facial mannerisms ng bold actor na si Marco Morales. Pang-showbiz si Marco dahil showbiz na showbiz ang kanyang trato sa mga tao na first time niya na nakilala.

SCENE : Nag-ampon ng pagong si KC Concepcion. Naawa siya sa pagong na ibinebenta sa Palawan. Kung nasubaybayan ni KC ang life story ni Snooky Serna, pihadong maaawa rin siya sa aktres.

SEEN : Si Mother Lily Monteverde sa presscon kahapon ng When I Met U. Asul at hindi kulay pula ang blouse niya.

Nakakapanibago dahil nasanay ang mga reporters na kulay pula ang damit ni Mother Lily tuwing Chinese New Year.

SCENE : Sina Jordan Herrera, Joseph Bitangcol at Chokoleit ang mga celebrity finalists sa Shall We Dance.

Mahusay sumayaw si Joseph ngunit kailangan niya na magpalit ng hairstyle upang hindi siya mapagkamalang tomboy.

SEEN : Ang nagbabadyang word war ng magkapatid na BB Gandanghari at Royette Padilla. Hindi tanggap ni Royette si BB at ang pagpatay nito kay Rustom Padilla.

SCENE : Palaisipan sa mga executives ng Star Cinema ang naging kapalaran sa boxoffice ng Love Me Again. Hindi sila satisfied sa gross ng opening salvo nila sa 2009.

CHINESE NEW YEAR

EVELYN ALVARAN-CRUZ

FANNY SERRANO

HAIR ASIA

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JORDAN HERRERA

JOSEPH BITANGCOL

LILY MONTEVERDE

LOVE ME AGAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with