^

PSN Showbiz

Karelasyon ni KK pera ang relihiyon

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

How time flies, 33 na pala ngayon si Klaudia Koronel na sumikat sa bakuran ng Seiko Films via string of bold movies. Taong 2005 no’ng huli siyang gumawa ng peli­kula, isa rito ang Tuhog. Years later, parang KK scored a ‘tuhog’ success in her personal life: na­igapang niya ang kan­yang kursong Computer Science sa New Era College, na siyang ginamit niyang daan tungo sa kanyang website business, na siya ring naging susi in her pursuit of love na sa wakas ay mauuwi na rin sa kasalan.

Life then wasn’t a bed of roses for Milfe Klaudia’s real first name. A breadwinner in the family composed of five other siblings, KK thought that the easiest way to a decent life was getting into showbiz. Or so she thought.

Wala ni isa mang relasyon niya ang nagtagumpay, blame it on the parents of her past boyfriends who looked down in her dahil isa siyang hamak na hubadera lang. But thanks to her ‘stripping days’ ang panlalait na ‘yon ang ginamit ni KK bilang kalasag upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Her computer background aided her to start up a business on the internet. Called mabuhaycity.com, nagke-cater sa ating mga OFWs and their relatives to communicate with each other for free. It is also through this website where KK met her husband-to-be, si Andy Zhang, a 43 year-old Chinese-American information technology consultant and investor.

Guess who ang bridge ng dalawa? No less than GMA news reporter and film director Cesar Apolinario, na minsan ding na-link kay Klaudia.

Pasakay na si KK sa kanyang yellow Cheri after her Startalk guesting nang magpang-abot sila ni Direk Cesar sa labas ng gate. Puring-puri ng direktor ang kabaitan ni Klaudia for whom he’s happy now that she seems to have found the right guy.

Kilalang kaanib ng Iglesia ni Kristo si Klaudia, pero nang tanungin kung anong relihiyon ang sinasampalataya ni Andy, “Pera ang relihiyon niya.” Hindi ibig sabihin ni KK that Andy worships money, kundi mahusay lang daw itong mangasiwa ng mga bagay na may kinalaman sa pananalapi. A practical, reasonable spender, KK might say.

* * *

From KK, dumako naman tayo kay BB (pronounced Bebe) Gandang­hari. Buhat kasi no’ng bumalik siya sa bansa from New York, invitations to TV guest­ings have become more and more. Sa katunayan, may nag-aabang nang appearance sa kanya sa Shall We Dance? Hosted by Lucy Torres-Gomez on TV5. Isa lang ang kundisyon ni BB: ihanap daw siya ng matangkad na partner given his 5’11 height nang wala pang high heels, huh!

vuukle comment

ANDY

ANDY ZHANG

CESAR APOLINARIO

COMPUTER SCIENCE

DIREK CESAR

KLAUDIA

KLAUDIA KORONEL

LUCY TORRES-GOMEZ

MILFE KLAUDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with