Nag-iyakan sina Pops Fernandez at Martin Nievera sa presscon ng kanilang Missing You concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa February 6.
Si Martin ang unang naiyak nang tanungin kung ano ang gusto niyang maging ending sa istorya nila ni Pops?
Nang makita ni Pops na umiiyak si Martin, umiyak na rin siya at inaming pinipigilan lang niya ang sarili at ang totoo, gusto na niyang umiyak habang ikinukuwento ang mga anak nilang sina Robin at Ram Nievera.
Sabi ni Martin: “I have no answer to that question because there is no end. When I look at Pops, I tend to go back when we were together and when I see the new Pops now, her passion for her work, and she’s grown up and not my little girl anymore, I’m so proud of her. She loves her man, she defends her man and she fights for her man. She’s grown up to be a good woman.
“Fame did not change her and it’s a big deal for me to be with the woman I should have had. All my life I did everything for her and now she no longer needs me. It’s hard to be a single mom and she did a great job of raising the kids without me.
“I’m very proud of her, especially when I see how she loves the kids and how close they are.”
Sagot ni Pops: “I’m sooo touched, it is the biggest compliment I heard. Hindi rin naman ako magiging strong to raise the kids kundi nangyari ang sa amin ni Martin because he spoiled me.”
Sinabi ito ni Pops habang ka-holding hands si Martin at sabay silang umiiyak. At one point, hinawakan ni Pops ang pisngi ni Martin at inalo ito, eksenang nagpaiyak din sa press.
Nilinaw din nito ang maling impression ng iba na staged lahat ang ginagawa nila ni Martin. Nabalik naman sa happy mood ang usapan nang mag-dialogue si Martin na magkakaroon lang ng ending ang istorya nila ni Pops if they remarried na parang nag-disagree si Pops.
Guest sa concert ang anak nilang si Robin at ipapakita naman ang drawings ni Ram habang kumakanta sila ni Martin. Dream ng bagets maging cartoonist at suportado siya ng mga magulang, the same way na very proud sila kay Robin.
Si Martin ang sumulat ng theme song ng concert with the same title at kakantahin nila ni Pops.
Rowell Santiago directs the concert, si Homer Flores ang musical director at produced ito ng Fearless Productions nina Jomari Yllana at Ronald Singson. Sa ABS-CBN magpo-promote sina Pops at Martin, pero GMA 7 ang media partner nila at sa Channel 7 din mapapanood ang TV coverage nito. Tickets are available at Ticketnet at 911-5555.
* * *
Na-announce nina Pops at Martin ang individual projects nila at aminado ang huli na mas busy ang ex-wife. Bukod sa Missing You, kasama na rin si Pops sa I Luv Betty La Fea at sa May, may US Tour ang Divas 4 Divas nila nina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez. Gumagawa siya ng bagong album at magi-guest siya sa album ni Martin.
Masayang ibinalita ni Martin na siya ang kakanta ng Philippine National Anthem sa boxing match nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton sa May 2. May bagong album siya at sa September, baka matuloy na ang back-to-back concert nila ni Gary Valenciano.
“Seeing all the other singers sing the national anthem in every Pacquiao’s fight, I’m scared that I might forget the lyrics. Hindi ako takot kumanta ng Tagalog, I’ve been singing Tagalog songs. I’ve always offered my services for free at ngayon lang matutuloy. It’s an honor to sing the national anthem, I’ve been asked to do it, si Manny mismo ang pumili sa akin. I hope he’ll not change his mind. I was asked before to sing in his fight, pero ’di natuloy,” sabi ni Martin.
* * *
Natutuwa si Jennica Garcia kung totoo ang tsikang isa siya sa ibi-build up this year ng GMA 7 at big project ang ibibigay sa kanya sa daytime at primetime slot ng network. Wala kasing pinipiling project at time slot ang galing ng young actress dahil kahit anong show ang ibigay sa kanya, lumulutang ang husay.
Pinalakpakan ng co-stars at staff and crew ang confrontation scene nila ng inang si Jean sa Gagambino dahil hindi siya nagpataranta sa ina. Mahaba ang dialogue niya sa nasabing eksena na buo niyang na-deliver at take one ang eksena.
Kita rin ang galing ni Jennica sa Bulong ng Puso episode ng Dear Friend na ang part two ay mapapanood mamaya after SOP. Ang boyfriend niyang si Mart Escudero ang kapareha niya rito, pero mai-involve rin siya kay Dion Ignacio. Ang sikreto ng husay niya’y lagi niyang inilalagay ang sarili sa character na pino-portray.
More than one year na ang relasyon ng mga bagets at ang pagkapasensyoso ni Mart ang nagustuhan ni Jennica. Kundi pasensyoso ang actor, break na raw sila’t first BF niya ito at hindi pa niya alam kung paano maging girlfriend.