Brendan Fraser mang-eengganyong magbasa

Hango sa mabiling nobela ni Cornelia Funke, ang Inkheart ay tungkol sa mahiwagang pakikipagsapalaran ni Mo ‘Silvertongue’ Folchart, isang ama na may pambihirang talento na buhayin ang mga karakter sa libro kapag binasa niya nang malakas ito.

Mula sa New Line Cinema, ito ay pinangungunahan ni Brendan Fraser na kilala sa buong mundo sa matagumpay na serye ng The Mummy.

Sa isang panayam, sinabi ni Brendan na dapat lang na gawing pelikula ang nasabing nobela. Natutuwa siya sa pagkakapili sa kanya mismo ng prodyuser para maging bida. Dagdag pa niya na, “it’s a promotion of literacy and family bonding.’’

Anak ng isang opisyal ng turismo, si Brendan ay isinilang sa Indiana at lumaki sa maraming siyudad sa Europe at Canada. Siya’y nagtapos ng kursong Fine Arts sa isang kolehiyo sa Washington. Nakapagtrabaho siya sa treatro pero noong 1991, lumipat siya sa California kung saan ay nabigyan ng break sa pag-aartista at nagbida agad sa Encino Man. Bukod sa The Mummy franchise, ang iba pang sikat na pelikula ni Brendan ay Journey to the Center of the Earth, Monkeybone, Bedazzled, Blast from the Past, George of the Jungle at marami pang iba.

Dinirihe ni Iain Softley, ang Inkheart ay ginamitan ng latest innovations sa CGI technology at mga bagong imbensyon sa special effects para sa mga nakakatuwang hayop na nagsasalita.

Tampok sina Paul Bettany, Eliza Bennett at Andy Serkis, ang Inkheart ay ipapalabas na sa Enero 28 sa mga sinehan.

Show comments