Bagay ang pangalan ni Christine Love para sa darating na Pebrero, ang buwan ng pag-ibig. Ang boses sa likod ng hit na Isang Halik Mo Lang na laging niri-request sa mga FM stations ay preparado na para sa kanyang Valentine show, ang A Love Affair, na gaganapin mismo sa February 14, 8:30 p.m., sa Aquanox sa Arnaiz-Amorsolo streets sa Makati.
Busy din ngayong Love Month ang singer sa binubuong bar tour niya kung saan pinaghahandaan ni Christine ang ilang kanta ni Whitney Houston. Ang isa pa niyang mabigat na susunod na aabangan ay ang concert niya sa May 15 sa Music Museum. Pero bago iyon, huwag kalimutang maki-celebrate muna kay Christine Love sa Valentine’s Day kasama ang inyong loved ones.