Hindi pa sapat na kasali na sina Ruffa Gutierrez, Megan Young, AiAi delas Alas, Vhong Navarro, Ronaldo Valdez sa I Luv Betty La Fea. Hindi pa nalalaunan ay naanunsyo na kasali na rin si Jericho Rosales sa serye. Magiging ka-triangle siya nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Nung isang gabi naman ay nakita ko sa trailer sina Karylle na nagse-surfing at si Dr. Vicki Belo.
Pero nung Martes ng gabi nagpatawag na naman ng isang presscon ang ABS-CBN para sa pagkakasama sa cast ni Pops Fernandez.
Ang laki-laki na ng cast ng I Luv Betty La Fea.
Sa TF pa lamang nila, kakain na ng malaking halaga pero hindi ito hadlang sa pagnanais ng ABS-CBN na mas mapaganda pa ang serye.
Gagampanan ni Pops ang pagiging isa sa kontrabida ng serye. Ang una ay si Ruffa na talagang pinahihirapan si Betty. Ngayon nadagdagan pa ni Pops na katulad ni Ruffa ay salbahe rin pero pa-sweet at nasa loob ang galit kay Betty.
Bibigyang buhay ni Pops ang character ni Paulina, kapatid ni Olivia na gagampanan ni Karylle. Para sa kanyang role, ’di patatalbog si Pops kay Ruffa dahil magsusuot din siya ng mga designers’ clothes. Pero, hindi siya gagamit ng damit na ipagagawa ng production. Mayro’n siyang sariling stylist, si Sharmaine Palermo, na magbibihis sa kanya para maging angkop sa kanyang role na mas mayaman kay Daniella at isang matagumpay na negosyante.
Sinabi ni Pops na tinanggap niya ang role ng isang kontrabida dahil sa hamon na ibinibigay nito sa kanya bilang artista. Hindi siya naniniwala na makukulong na siya sa molde ng isang kontrabida.
“Matalino na ang mga manonood ngayon. Alam na nilang ihiwalay ang totoong artista sa mga roles na ginagampanan namin. Nakaka-excite lang na dati pa-sweet ako at inaapi-api sa Regal Films pero, ngayon ako naman ang mang-aapi. Hindi ako ito, ibang-iba sa totoong personalidad ko. Biruin mo, napakayaman ko rito, at gusto ko forever na mayaman ako. Hindi importante ang love sa akin, pera lang ang mahalaga. Pareho kaming kontrabida ni Ruffa pero pipilitin kong mapaiba ang atake ng character ko,” sabi ng singer/actress na ang huling acting assignment ay Zsa Zsa Zaturnah.
* * *
Nagdaos ng isang belated Christmas party for the entertainment press ang Royal Era, ang kumpanya na binubuo at pinamumunuan ng pamilya Gutierrez, namely Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, Ruffa, Richard at ng iba pang Gutierrez siblings. Isang thanksgiving party din ito ng pamilya sa naging magandang takbo ng Royal Era nitong katatapos na 2008.
Katulong nilang nag-host ng party ang mga alaga ng Royal Era na sina Arnell Ignacio, Miriam Quiambao, Ehra at Michelle Madrigal, TJ Trinidad, Almira Muhlach at JC de Vera. Absent ang kambal, si Richard nagso-shooting ng When I Met U nila ni KC Concepcion at si Raymond nagku-cruising gamit ang yate ni Willie Revillame. Pa-birthday niya ito sa sarili dahil birthday nila ni Richard kinabukasan.
Masaya ang party kahit umuwi akong talunan. Very generous ang pamilya, lalo na si Annabelle, dahil may trabaho ang mga alaga niya at lahat ng pinrodyus na show ng Royal Era ay kumitang lahat.
Sa Pebrero, meron uli siyang ipoprodyus na concert na magtatampok kina Pops, Verni Varga, Pokwang, Iya Villania at marami pang iba.
* * *
Baka maging Kapamilya rin si Miriam Quiambao. Interesado ang Wowowee na makuha siya bilang host. Katunayan pinadalhan pa siya nito ng isang Louis Vuitton bag. At minsan nakaringgan siya ng pagpuri sa Wowowee na aniya’y pinakasikat na noontime show sa TV.
* * *
Going international na talaga si Charice Pempengco. Hindi lamang niya naka-duet ang sikat na si Celine Dion, kumanta pa siya sa inaugura-tion ball ni US president-elect Barack Obama. I’m sure mighty proud sa kanya ang Kapamilya niya.