Young actor pang-TV lang ang relasyon sa ka-loveteam

Hirap na hirap sagutin ng isang young actor ang tungkol sa “relasyon” nila ng leading lady niya sa isang soap dahil pang-fan lang ang relasyon na ’yon. Non-showbiz ang totoong girlfriend ng young actor at pamangkin ng isang ma-impluwensyang politi-cian from the north.

Lihim ang relasyon ng dalawa at para hindi ma­buking, hindi sila rito sa Manila nagkikita at nag-i-effort ang actor na dalawin ang nobya sa probinsya nito. Last year, sa probinsya ng nobya nagbakasyon ang actor na tiyak, hindi alam ng kanyang leading lady.

Minsan na naming tinanong ang actor sa non-showbiz girl at naintindihan namin ang kanyang pagdi-deny. Ayaw nga naman ng mga fans kung malamang hindi ang kapareha ang tunay niyang karelasyon, kundi isang magandang dalagang galing sa isang political clan.

* * *

Pinaghandaan ni Miriam Quiambao ang planong pagpasok sa acting dahil nag-workshop siya ng Integrated Acting, Scriptwriting, and Directing kay Nestor Torre. Ang manager na si Annabelle Rama ang tumutulong para makakuha siya ng acting job at kung ang ABS-CBN ang makaka­pag­bigay nito sa kanya’y open siyang lumipat.

Nabanggit na niya sa GMA 7 management ang posibilidad na paglipat at ang sabi sa kanya’y kung saan siya masaya, gawin niya. September pa nag-expire ang kontrata ni Miriam sa GMA News and Public Affairs at December naman sa Q-11, kaya walang magiging problema kung magiging Kapamilya na siya. Naghihintay lang daw sila ng formal offer.

Loveless si Miriam ngayon after breaking up with her foreigner boyfriend na based din sa Hong Kong, gaya ng ex-husband niya. After dating for sometime, na-realize nilang hindi sila compatible, kaya tinapos agad ang relasyon.

Nagkikita pa rin sila ng ex-husband niya ’pag may hearing sa HK ang divorce case nila, pero hindi sila nag-uusap. Ipinaglalaban niyang mabigyan siya ng alimony dahil sayang daw ang 2 1⁄2 years na kumikita sana siya, pero nasa    HK siya at housewife.

“Pero okey lang, nakapag-travel naman ako noong married pa ako. Sana nga ma-grant na ang divorce at church annulment namin. If naka-move on na ako? Ako, no more pain at sana this year na ang complete healing ko para wala ng unfinished business. Yun ang prayer ko plus, more projects,” sabi ni Miriam.

* * *

Natawa si JC de Vera sa tanong namin kung gaya ni Rhian Ramos, nadala rin ba siya sa very passionate kissing scene nila sa Lalola. Basta, nag-reflect daw sa kiss nila kung ano ang feelings nila sa isa’t isa.

“It was a no-holding back with emotion kiss at pinabayaan namin kung ano ang lalabas na emosyon sa amin at lumabas siyang maganda,” description ni JC sa nasabing kiss.

Hindi pa alam ni JC ang next project niya sa GMA 7 at balita namin, nagtapos na ang kontrata niya sa network sa Lalola. Maghihintay na lang daw siya ng susunod niyang trabaho at kung sila pa rin ni Rhian ang pagtatambalin, okey sa kanya. Hindi rin siya tatanggi kung muli silang pagsamahin ni Yasmien Kurdi, kaya lang, payag kaya ang young actress?

Anyway, gamit na ni JC ang Bayantel landline plus prepaid phone na Christmas gift sa kanya ni Rhian at gamit naman ng actress ang Louis Vuitton wallet na bigay sa kanya ng actor.

* * *

Walang reklamo si Rafael Rosell sa billing niya sa Status: Single at dedma siya kung si Jon Avila man ang may “and” sa kanilang limang lalaki. Ang taray ng dialogue nitong hindi popularity contest ang movie at ang importante, nadirek siya ni Joey Reyes st nakasama si Rufa Mae Quinto na ina-admire niya from afar.

Mabilis naging kaibigan ni Rafael sina Paolo Con­tis at Alfred Vargas na parehong Kapuso talents. Hindi uso sa kanila ang away at network war at pare-pareho silang nagtrabaho ng maayos para magan­dang pelikula ang mapanood sa January 28.

Kasama rin si Rafael sa cast ng Star Cinema mov­ie ni Batangas Gov. Vilma Santos at sa New York ang shooting. Kahit anong role ang ibigay sa kanya’y tatanggapin niya dahil kay Vilma at dahil sa New York ang shooting.

Show comments