Maghapon akong natulog noong Martes dahil pinaghandaan ko ang panonood sa TV ng panunumpa ni Barack Obama, ang bagong pangulo ng Amerika.
Siyempre, ayokong ma-miss ang inauguration atsutsutsu ni Papa Barack dahil history ang pagkakaroon ng unang Black President ng USA.
Gising na gising ako ng ala-una ng madaling-araw sa Hong Kong dahil nandito ako habang nanunumpa si Barack.
I’m sure, nakatutok ang buong mundo sa TV para saksihan ang history. Itsurang napakalamig sa Washington, go ang mga Amerikano sa National Mall para makita nang personal ang panunumpa ni Papa Barack.
* * *
Dedma ang aking anak na si Sneezy sa presidential inauguration ni Papa Barack kahit malapit ang National Mall sa bahay nila.
Supladita ang anak ko. Hindi niya type magmaneho ng sasakyan at maipit ng trapik. Lalong hindi pinangarap ni Sneezy na sumakay sa Metro Train dahil umaga pa lang, puno na ng mga pasahero ang train.
Siksikan ang mga pasahero sa train dahil isinara ang ibang mga station, for security purposes ek ek. Pinanood na lang ni Sneezy sa TV ang mga bonggang eksena sa Washington na OA sa lamig ang climate.
* * *
Nag-lunch muna kami ni Mama Vicki sa Nobu bago siya umalis ng Hong Kong. Marami uli kaming napagkuwentuhan pero off-the record ang karamihan.
Pero sure ako sa isang bagay, hindi talaga sila nagkabalikan ni Hayden Kho. Sa totoo lang, napakaaliwalas ngayon ng itsura ni Mama Vicki. Parang nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib.
* * *
Kasama ko sa Hong Kong sina Leah Salterio, Gorgy Rula, Shirley Pizarro at Jojo Gabinete.
Dahil kasama ko si Leah, naalaala ko ang mga ambulansya na donasyon ni Buhay Party List Representative Irwin Tieng.
Nag-donate ng mga ambulansya si Papa Irwin sa bayan ng Alfonso at General Mariano Alvarez sa Cavite.
Bahagi ng medical mission ni Papa Irwin ang pagbibigay niya ng mga ambulansya na puwedeng gamitin ng mga nangangailangan.
Pinangunahan ni Papa Irwin ang medical mission sa Kawit, Cavite at dito niya nakita ang 7-month old hydrocephalus victim na si Jhenica Amores.
Sinagot ni Papa Irwin ang lahat ng mga gamot na kailangan ni Jhenica at pagkalipas lang ng isang buwan, naging maayos ang kalagayan ng bagets.
Marami nang medical mission na ginawa si Papa Irwin para sa kapakanan ng mga batang may kapansanan. Dinalaw din niya ang Cerebral Palsy Center, isang organisasyon na tumutulong at nangangalaga sa mga bata na may sakit na cerebral palsy. Si Papa Irwin ang may-akda ng isang panukala sa Kongreso na bigyan ng exemption ang mga taxpayer na may dependents na may mga kapansanan.