Sa January 26 (Monday) na idaraos ang unang hair and make-up competition ng bagong-tatag na grupo ng mga cosmetologists na pinangalanan nilang PICA (Philippine International Cosmetologists Association). Ang titulo ng competition ay A Touch Of Excellence na kung saan ay daan-daang hairdressers ang magpapakita at magtatagisan ng kani-kanilang galing. Ayaw mapahiya ng magagaling na hairdressers na ’to sa Presidente ng PICA na si Fanny Serrano, na isa nang institusyon sa larangan ng pagpapaganda.
Kaya naman mataas din ang respeto ng magaling din na hairdresser na si Ness Astilla kay Fanny at all-out ang pakikipagtulungan niya rito sa unang proyekto ng PICA na ang mga board of members ay composed of salon owners, bodyskin and wellness spa owners, top hairdressers and beauty suppliers, headed by Fanny himself.
Gaganapin ang competition sa San Juan Arena at ang actual awarding ay idaraos naman sa isang malaking event sa SMX Mall Of Asia sa February 26, 27 at 28 na pinamagatan nilang Cosmetologie ’09.
Dito sa event na ito matatanggap ng mga nagsipagwagi ang kani-kanilang cash prizes sa bawat major category na nagkakahalaga ng tumataginting na P50,000.
Ang limang categories sa nasabing competition ay ang mga ito: Men’s Cut and Color, Ladies Cut and Color, Red Carpet Look, bridal make up at best color vibrance.
“Naka-focus lang talaga sa hair and make-up ang competition kaya hindi na nangangailangan ng mga bonggang props o costume to impress the judges,” sabi ni Ms. Astilla.
‘‘Everybody’s welcome na sumali sa competition na ito maski affiliated na sila sa iba’t ibang grupo,” dagdag nito.