Pam Anderson sarap na sarap sa veggie adobo ng 'Pinas!
Masayang nagpadala ng sulat kahapon (Enero 19) ang seksing Baywatch star na si Pamela Anderson sa Unang Hirit ng GMA 7 at sinabing todo-suporta siya sa segment na ipinakita ng TV show ngayong umaga (Enero 20) para sa mga vegetarians.
Ayon sa sulat, na unang pagkakataon na nagsalita ang aktres at animal advocate para i-promote ang vegetarianism sa Pilipinas, natuwa siyang nakita ang mga local celebrities natin na sina Isabel Roces at Yasmien Kurdi para sa ads ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA). Idinagdag pa niya na siya man ay sarap na sarap sa vegetarian ‘chicken’ adobo na gawa sa tokwa.
“I’ve heard that vegetarian restaurants are popping up all over the place in the Philippines and I can hardly wait to go there and try them all out. A great Filipino restaurant near my house in Los Angeles makes a mock-chicken adobo that’s to die for using a meat substitute made from tofu—it’s cruelty-free and is made without all the cholesterol of meat!” excited na sabi ni Pam sa sulat.
“I know that Filipinos are very compassionate people, and I’m hoping that many of your viewers today will give a vegetarian diet a try. After all, it’s the best thing that they can do for animals, the environment, and even their own health.”
Hindi lang si Pam ang nagpahayag ng suporta, ang Clueless star na si Alicia Silverstone at Emmy Award-winning actor na si James Cromwell ay nagpadala rin ng statement of support sa Unang Hirit.
- Latest